February 11, 1999

Huling hirit na lang ng SSKMA 'yong napadagdag na 3 more episodes, na ang pinaka-last part ay kinunan last Jan.29 (Friday). It's the date of my birth rin nga pero andoon ako sa Nasugbu, Batangas at nagti-taping. This year talaga ako hindi nakapagplano ng kahit isang simpleng birthday bash. But then, na-touched naman ako na 'yong ilang shows sa Dos, may kanya-kanyang inihanda na celebration para sa aking kaarawan.

Okey na rin kahit hindi ako nagkaroon ng party. Sa taping, kinantahan naman ako ng buong cast at staff tapos may konting kainan noong break na. Huwag niyo sanang ma-miss itong natitira pang episode dahil mas maraming magagandang scenes at highlight kayong aabangan. Pati na 'yong eksenang ikakasal ako kay ... basta, panoorin na lang ninyo, ha!

Although magtatapos na ito, magkakaroon naman ng book two. At isusunod 'yon sa pangalawang miniseries na ang bida'y si Albert Martinez which will start its airing pagkatapos nga nitong sa amin.

Last January 30 (Saturday), taping namin ni Jolina ng pang-Valentine special for Star Drama. Ang cute-cute ng story na feel-good ang tema, may konting drama, may mga medyo kilig pa ring scenes. Abangan niyo sa Feb. 12.

We have 2 movies to finish, yung Gimik-the Reunion Movie at Hey, Babe. I just don't know kung mapu-push through yong naririnig pa lang namin ni Jolinang soap opera for us. So far, okey naman ang takbo ng samahan namin ngayon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit patuloy pa rin ang iba sa pang-iintriga sa amin. Well...ang puwede ko na lang sabihim eh - peace be with them. One more pahabol - salamat nga pala sa mga nakaalala noong nakaraang birthday ko.

I love you all!!!!




MARVIN'S CORNER