Init na init nga ako kaya nagpahanda ako ng Banana con yelo sa aking dear mommy, kaya kasabay nito ay kumakain ako nitong paborito kong snack. Actually gusto ko rin 'yung halo-halo lalo na kung may ice cream, ito talaga ang gusto kong kainin kapag summer.
Okey balitaan naman tayo, katatapos ko nga lang pala ng taping ng Ipaglaban Mo kasama ko rito sina Jericho Rosales, Julia Clarete, Luigi Alvarez, Doods Peralejo, Arman De Guzman, Paolo Zobel at si Kathleen Hermosa. Kinunan ang taping namin sa Tandang Sora na malapit sa bahay ng aking may labs na si Jolina. Dahil walang lakad ang aking dear love, nagpunta ako sa kanila ng lunch break at doon na ako kumain. Wala ang kanyang mommy at daddy dahil nasa office sila ng mga oras na 'yun. Siyempre pa, solung-solo ko ang aking my labs. Sandali lang naman ako roon at bumalik agad ako sa set namin. Kinabukasan, dahil wala akong trabaho ay nag-pictorial ako sa Ropers studio para sa mga bagong transpa na ilalabas ko ngayong summer ala-LEONARDO DICAPRIO tulad nga ng sabi nila na kamukha ko raw. Bongga di ba?
Tuloy-tuloy pa rin ang taping ko ng Esperanza, Onli in da Pilipins na humahataw na rin sa rating. Magkakaroon nga kami ng summer special kaya abangan niyo iyon.
Kung gusto nioy kaming makita ni Jolina, pasyalan niyo na lang kami sa taping namin ng Onli in da Pilipins tuwing Miyerkules sa studio ng ABS-CBN. Ipagdasal niyo rin sana manalo ako sa Film Academy Awards at sa People's Choice Award na gaganapin ngayong April, sana manalo ako 'no.
BEEP-BEEP MARVIN...
Maraming na ang tumawag sa beeper ko at nabasa kong lahat 'yun, sana huwag kayong magsawa sa kabi-beep sa akin. Don't forget to beep me at 125-1090038.