APRIL 23, 1998

It's Thursday once again at s'yempre, araw na naman ng deadline dito sa TEEN Movie Magazine. As usual, tsikahan na naman tayong lahat and of course balitaan sa aking mga gimik. Last Week ay nakipag-heart-to-heart talk ako sa PRO ko. Medyo worried kasi siya sa mga naglalabasang intriga sa akin, mas apektado siya dahil hindisiya sanay sa intriga. Ako rin naman ay madali rin akong mag-react, pero madali rin akong magpasensya. Kaya medyo matagal din 'yung naging pag-uusap namin ng aking PRO. After that, I visited my showbiz mentor ENRICO SANTOS dahil matagal-tagal din naman kaming hindi nagkakausap. Naging busy rin ako sa taping ng Onli in da Pilipins at Esperanza, ganito na halos ang routine ko every week. Anytime now ay puwede pa rin akong magsimula ng movie.

Siyempre naman, hindi ko puwedeng malimutan ang aking my labs, lalo nga kaming nagiging sweet sa isa't isa. Every now and then I keep in touch with Jolina. Lagi kaming nag-uusap lalo na tungkol sa kanyang bagong tayong boutique. Marami rin kasi akong suggestion sa kanya, tapos minsan kung wala rin akong ginagawa ay tumutulong ako sa paggawa ng mga abubot na itinitinda niya sa kanyang boutique. Doon sa mga fans namin ni Jolina ay sana bisitahin n'yo naman ang kanyang boutique. Of course, excited na rin naman kaming dalawa para sa nalalapit na shooting namin, work to death na naman ito dahil we have to finish it kaagad dahil medyo naantala na ang shooting schedule namin, dapat ay this time ay kalahati na ang natataapos namin.

Malapit-lapit na rin ang FAP, nominated ako for Best Supporting Actor, medyo nakakatakot nga dahil magagaling ang mga kalaban ko pero sana manalo ako! Tulungan n'yo akong magdasal.

Maraming sumusulat sa kain na hindi ko natatanggap, pero may good news ako sa inyo, magkakaroon na ako ng P.O.Box, kung saan doon n'yo na lang ipapadala ang mga letters ninyo para madali kong matanggap at madali ko ring masagot.





MARVIN'S CORNER