APRIL 30, 1998

Good day and belated Happy Easter! How was your Holy Week? I do hope na hindi puro lakwatsa lang ang inatupag ninyo during those days. Sana ay nakapag-reflect din kayo sa sufferings na dinanas ni Lord. By the way nagpapasalamat nga pala ako sa walang sawang sumusubaybay ng aking column. Nakakatuwang malaman na natatanggap pala nila ang mga sulat at pictures na ipinapadala ko sa kanila. Marami kasi ang hindi naniniwalang sinasagot ko ang mga ito kahit na napaka-busy pa ng schedule ko.

Well, balitaan naman tayo this time. Last Holy Week ay tiyempo namang nagkasakit ako at eksaktong bakasyon ito. After two years nang hindi pagkakasakit ay medyo napahinga naman ako sa wakas. Mabuti na lang hindi naapektuhan ang trabaho ko dahil eksaktong bakasyon ito. Halos apat na araw akong nakaratay sa kama na naging maganda na rin in a way dahil nakapagpahinga ako nang matagal. Pero nag-worry din ako dahil sabay kaming nagkasakit ng aking 'my labs'. Naaksidente ng sprain sa paa dahil sa pagkakahulog niya sa hagdanan. Sad to say na hindi ko siya nadalaw dahil pareho nga kaming may karamdaman. May communication pa rin naman kami kahit hindi kami nagkita dahil lagi ko siyang tinatawagan sa phone para kumustahin. Anyway, sa mga fans na concern sa amin ni Jolina ay huwag na kayong mag-alala dahil okey na kaming pareho. Siguro next week ay makakabalik na kami sa taping ng Onli In Da Pilipins at magkikita na rin kami ng aking 'my labs'.



MARVIN'S CORNER