MAY 14, 1998

Nagpapasalamat ako sa magandang pagtanggap sa akin ng mga tao sa fans day ko na ginanap sa Ever Gotesco Recto. Hindi ko inaasahan na dadagsa ang mga tao roon kaya naman super saya noong araw na 'yon. Salamat talaga sa pagsuporta ninyo sa aking career all throughout.

Actually, first time kong magkaroon ng fans day sa CPM at ngayon lang din sila pumunta sa venue na 'yon kaya hindi nila expected na ganoon karami ang pupunta. Ninenerbiyos nga ako dahil hindi ako masyadong nakapaghanda para sa show.

Naging masaya naman 'yung get together dahil maraming fans ang nakigulo sa akin. Hindi rin siyempre nawala ang question and answer portion lalo pa't show iyon ng queen of intrigue na si Tita Cristy. Marami naman ang nagtatanong kung bakit wala raw si Jolina. May recording siya noong araw kaya hindi siya nakapunta. Busy siya sa album under Star Records kaya abangan ninyo.

Busto kong pasalamat ang Blowing Bubbles sa suportang ibinibigay sa akin. Special thanks to Advance Notebook na isa sa naging sponsor din. Higit sa lahat kay Tita Cristy Fermin, kina Ogie Diaz at Richard Pinlac. Kay Ate Jen na nakipag-duet sa akin at kay mommy.

Salamat sa Matinee Idol Marvin, JPA Marvin Fans Club at Sweet Marvin Agustin, kundi dahil sa inyo ay hindi magiging matagumpay ang aking fans day. Again thanks for all the support.

MARVIN'S CORNER