"Mukha kasing madikit ang gel na ginagamit niya. Kadiri!" anang kanyang mga tagahanga.
"Mabago siyang tingnan kung hinahangin-hangin ang kanyang buhok!" patuloy ng mga ito.
Sabi ko nga, "Baka naman pinapantayan lang niya ang sari-saring istilo ng buhok ni Jolina."
"Pinapatatawad na nga namin si Jolina sa kung anu-ano'ng ayos niya ng buhok. Aba'y abuso na kung pati si Marvin ay makiuso sa kanya," mataray na sagot ng mga ito.
• Siyanga pala, hindi pala talaga gimmick ang pag-ayaw ni Mrs. Magdangal sa relasyon nina Jolina at Marvin.
"Napakabata pa ng anak ko para magkaroon ng seryosong relasyon," an'ya sa isang grupo ng movie reporters. "Kahit 19 na si Jolina, isip-bata pa iyan. Kung ano man ang nadarama niya para kay Marvin, pang-magkaibigan lang iyon.
"Mas seryoso siya sa negosyong binuksan niya, lalo't magkakaroon na siya ng branch sa Cebu. At may magsu-supply pa sa kanya ngayon ng mga raw materials mula sa Hong Kong."
Si Mrs. Magdangal na ngayon ang nagbabantay kay Jolina sa mga TV promo ng pelikulang "Labs Kita, Okey Ka Lang" at hindi na ang daddy niya.
Nabuo yata ang relasyon nina Jolina at Marvin noong si Mr. Magdangal pa ang nagsa-chaperon kay Jolina. Hindi niya inakalang tutol pala ang kanyang misis kay Marvin para sa anak nila.
Well...