Napansin din ng reporter noong nagpunta siya sa taping ng TV show nina Jolina at Marvin na hindi na hinintay ng dalaga ang binata at nauna na itong umalis. Dati raw kasi, kahit tapos na ang mga eksena ni Jolina, may-I-wait pa siya kay Marvin para sabay silang umalis.
May nakapagtsika naman sa amin na ang pinagmulan ng gap ng dalawang bagets ay noong sabihan daw ng mommy ni Jolina si Marvin na, "Get out of my daughter's life!"
Hindi naman siguro dahil kay Franco Laurel kaya nagkakalamigan ang pagtitinginan ngayon nina Jolina at Marvin sa isa't isa? May tsika kasing diumano'y playing sweet music ngayon sina Jolina at Franco. Any denial or confirmation?