MARVIN HINDI KASAMA SA STAR DRAMA NI JOLINA

by: Chit Ramos
(Tempo 10.1.98)

Hindi mapapanood si Marvin Agustin sa 4 na episodes ng Star Drama Theater Presents...Jolina na magpi-premiere sa Chan. 2 sa Oct. 10.

"Napapanood na kasi silang lagi na magkasama sa Onli In Da Pilipins tuwing Linggo na gabi. Ganoon din sa mga pelikula nila. Ayaw naman naming ganoon at ganoong putahe ang ibigay sa publiko kapag si Jolina ang pinag-uusapan," anang taga-Chan. 2. "Buti na iyong mapanood naman si Jolina na may ibang love interest.'

At huwag ding akalain na bunga ito ng intrigang naganap kamakailan lamang, na ayaw daw ng mommy ng malinggit na dalaga ang binata bilang boyfriend.

"Tapos na ang isyung iyon," ani Jolina. "Nag-usap-usap na kami at nagkaintindihan na. Sana, huwag nang ungkatan pa at bati na kami ni Marvin."

Nangangahulugang totoo pala ang bali-balita. Akala kasi ng iba, gawa-gawa lang iyon ng mga nasa likod ng pelikula nila.


MANILA BULLETIN