MAY 08, 1998

Ipinararating ko sa Talent Center ang taos-pusong pagbati dahil sa ika-limang taong anibersaryo nila last week na ipinalabas sa ABS-CBN. Tagged as "High Five", nagkaroon po kami ng kanya-kanyang production numbers. Kanya-kanya kaming contribution para sa okasyong 'yon. Actually, naging sort of reunion na rin ito sa halos lahat ng talents na galing sa Star Circle o Talent Center.

Earlier that day, nasa Cabanatuan kami ni Jolina for a mini-show sponsored by N.E. Shopping Mall na kao-open lamang. Touched kami sa warm receptions na natanggap namin, hindi lang sa may-ari ng mall, kundi sa lahat ng mga taong nanood ng show namin. Nagkagulo sa naturang show, kaya we cut short sa supposedly 2-hour show na inihanda namin. Hindi po masawata ng mga security ang mga tao, kaya't pinaikli na lang ang show. Although hindi nasunod ang ilang numbers, kitang-kita namin ang tiyaga manood sa amin kahit sa siksikan na parang sardinas ang mga tao. Awang-awa ako roon sa mga may edad nang babae, at saka sa mga tinedyer na naiipit dahil sa pagkakagulo. Gustuhin man naming makamayan lahat, imposibleng mangyari. Kaya't promise sa amin ng may-ari sa kanilang susunod na anibersaryo kami ulit ni Jolina ang aaliw sa inyong lahat.

Isa pang rason kung bakit nira-rush namin ang show ay dahil hahabol kami ni Jolina sa "High Five", aniiversary ng Talent Center kinagabihan. Dapat ay kasali kami sa production number, kaya lang matrapik kami ni Jolina sa North Expressway and we had to beg-off dahil hindi pa kami nakakapagpraktis. So, nag-emcee na lang kami ni Jolina.

As usual, every Monday pa rin ang teyping namin sa "Esperanza" at umaabot pa ng Tuesday. Kaya't Wednesday naman ang teyping namin sa ABS-CBN ng "Onli in Da Pilipins". 'Yung sa "Gimik," wala na po kami roon. Ang sabi nila, 'pag mayroon daw kaming available guestings, tatawagan nila kami.

Sige-sige din naman po ang guestings ko sa "APO". In fact, nu'ng Thursday nagkaroon ako ng production number with Jolina. The following day, Friday, after the teyping ng "Esperanza", which was an extension ng teyping namin, dumiretso kami ni Jolina sa bahay nila for my piano lessons. Kailangang-kailangan ko kasing matutunan ang mag-piano, kahit na 'yung basics lang dahil kakailanganin ko 'yung mga scenes na nagpa-piano ako rito sa launching movie naming dalawa. Role ko kasi rito sa launching movie namin ay isang band leader na marunong mag-piano. Isa akong lider ng banda rito na nalaos. Gagawa ako ng isang masterpiece dito sa pamamagitan ng piano, kaya't napakahalagang matutunan ko 'yon. With Jolina as my teacher sa piano lessons, napakadaling matuto. Kaya lang, mas marami pa yata kaming ini-spend na time sa kakakain. Kasi, maya't maya, eh, kung anu-ano na ang inihahain ni Jolina. Minsan, siya ang nagpiprisinta para magluto.

Siguro sa may 06, 1998 na kami aakyat ng Baguio. Ito na naman po ang latest schedule na natanggap namin buhat sa Star Cinema. Preparado na po kaming lahat sa pag-akyat and I'm looking forward to spend my summer do'n. Kasi nga mainit dito sa Maynila at balita ko, malamig pa rin sa Baguio kahit na sa mga panahong ngayon. Lalo na raw sa gabi. Napaka-romantic ng place. Kaya lang, huwag kayo mag-isip ng malisya dahil nandoroon kami ni Jolina para gumawa ng pelikula at hindi ng bata. Hinding-hindi po namin sisirain ni Jolina ang tiwalang ipinagkaloob sa amin ng aming mga magulang. Lalong hindi namin sisirain ang image namin dalawa sa atimg mga kabataan.

MARVIN'S CORNER