June 05, 1998
Naging busy lang naman ako sa taping ng "Onli in da Pilipins" at sa shooting ng pelikula namin ni Jolina sa Baguio.
Marami pala ang nagtatanong sa akin kung bakit parang kumonti raw 'yung exposure ko sa "Esperanza." As you notice, hindi nga kami nagte-taping ni Jolina ngayon ng "Esperanza" kasi medyo tinitipid-tipid nila 'yung pondo nila para sa aming dalawa. Medyo matatagalan pa kasi bago kami makapag-taping, tatapusin muna namin itong namin na almost nasa one-fourth na ang shooting.
Medyo nakakapagod nga lang dahil bumababa kami every Tuesday sa Manila at babalik naman kami right after the taping ng "onli..." Halos wala rin kaming tulog dahil pagdating naman namin ng Baguio, diretso kaagad kami sa shooting. Sa U.P. Baguio nga kami nagsu-shooting ngayon. Maraming nakakatawang eksena kami roon nina Jolina at Meryl Soriano. Siguradong mag-e-enjoy kayong lahat dito.
Kasama na rin pala namin si Gio Alvarez. Finally, siya 'yung makaka-triangle namin ni Jolina, bale siya 'yung pumalit sa role ni Bojo Molina. Hindi kasi naging available si Bojo kaya si Gio ang ipinalit. Anyway, masaya naman kami sa set.
Ang problema nga lang namin sa shooting, eh, yung paiba-iba ng klima ng panahon plus 'yung konting pag-ulan-ulan sa Baguio. Minsan ang init-init tapos biglang uulan, kaya medyo nagkakaroon ako ng sipon. Mabuti na lang, kumpleto 'yung mga gamot na ipinadala sa akin ni Mommy kaya kapag nakakaramdam ako ng sakit sa katawan, eh, umiinom kaagad ako ng gamot.
Minsan inaabot kami ng umaga tapos konting tulog lang, shooting ulit. Ganu'n kagrabe ang buhay ko ngayon kaya pasensiya na roon sa mga ibang fans na nagbi-beep sa akin at hindi ko kaagad sila nasasagot.
Nagpapasalamat nga pala ako sa Blowing Bubbles dahil sa malaking suporta nila sa kin. Kailan lang, nagkaroon na naman ako ng panibagong pictorials courtesy of them. Tapos lahat pa ng damit na gamit ko ngayon sa pelikula namin, eh, galing talaga sa kanila at sadyang ginawa pa nila for me.
Well, its bye-bye time at sana huwag kayong magsasawa sa kasubaybay ng kolum ko. Till next issue at sana keep on praying. Always keep in touch. I love you all!!!
MARVIN'S CORNER