THE MAJ LOVETEAM

(Phil. Headline News Online 08.29.98)

So much have been written about Marvin Agustin and Jolina Magdangal, pero ngayong napatunayang may following ang loveteam nila dahil sa kinita sa opening day ng kanilang first starring Labs Kita...Okey Ka Lang, siguro naman ay matitigil na ang sinasabing pagtutol ng magulang ni Jolina kay Marvin as on-and-off cam partner.

There's nothing wrong with that, Baby Talk's Salve Asis wrote, puwede na si Jolina kay Marvin dahil nagsisikap naman ang huli na magkaroon ng magandang image kontra sa ibinabato sa kanya.

Totoong may hindi magandang reputation ang family ni Marvin dahil sa kanyang convicted father sa kasong illegal possession of prohibited drugs pero seguro naman ay hindi gagawin ni Marvin na gayahin ang kanyang ama.

Showing pa rin ngayon ang Labs Kita..Okey Ka Lang which co-star Hilda Koronel, Gina Pareno, Gio Alvarez, Meryil Soriano and directed by Jerry Sineneng for Star Cinema.


PHIL. HEADLINE NEWS ONLINE