MARVIN ATTENDS PMPC AWARDS NIGHT

by: Ador V. Saluta (Kislap Magazine 03/16/98)

Masayang ibinalita sa amin ng young actor na si Marvin Agustin na siya'y pinayagan na rin ng kanyang home studio, ang ABS-CBN at Talent Center na um-attend sa PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa U.P. Theater ngayong darating na Marso 8, 1998.

Nabanggit pa ni Marvin na siya'y sinamahan ng kanyang assistant manager na si Nars Gulmatico para ipaki-usap ang kanyang kahilingang masaksihan diumano sa gabing 'yun ang kauna-unahang pagkilala sa kanya bilang "New Male Movie Actor of the Year" na taun-taon ay iginagawad sa mga young talents like him.

"I know ABS-CBN understands my desire to attend the awards night. Saka, ipinaliwanag ko sa kanila na pambihirang mangyari ang ganitong pagkakataon sa isang talent na tulad ko na mabibigyan ng recognition.

"Bagama't nominee lamang ako along with Bojo (Molina), still ay kinokonsider kong napakalaking karangalan ito. At naintindihan nila ang gusto kong mangyari.

"When finally they decided to allow me, napapikit na lang ako sa tuwa. Of course, nagpasalamat agad ako kay Lord, dahil alam ko na may blessings siya para mag-open ng doors ang ABS at payagan akong makadalo sa awards night," mahaba-habang bungad pa ni Marvin sa amin.

Hindi lang sa pag-attend pinayagan si Marvin. Pati ang pagiging presentor nito sa gabi ng parangal ay pupuwede na. Kumbaga, Marvin's all free to join the award-giving body which ABS-CBN boycotted for a while.

Hindi kaya sabi-sabi lamang ng ABS-CBN 'yun at kapag nando'n na siya'y masasabit siya (sa gulo) sa bandang huli?

"Yong pagdalo ko sa gabi ng awards night, the decision came instantly. Pero, 'yong pagiging presentor ko ... it came days after," pahayag pa ng young actor.

The reason why ABS-CBN obliged to the request (Marvin as presentor)?

"Waka raw involved na movies sa pagpunta ko ro'n. Ang award o ang nomination ay solely for me. Kumbaga, pansarili ko na 'to. Kaya laking pasasalamat nga dahil naunawaan nila ako sa puntong 'yon," sey pa ni Marvin sa amin.

Malakas ang bali-balita na, it's Marvin over Bojo for the New Male Discovery ng ating industriya for this year. Kasi nga raw ay mas maraming regular show itong una kaysa kay Bojo. Isa pa'y mas maraming movies na nasalihan itong si Marvin kaysa kay Bojo.

"'Yon ang sabi nila. May laban daw ako. Kaya lang, ayokong umasa. Masakit kasi 'pag itinatak mo sa isipan mo na ikaw na nga, tapos hindi naman pala, magiging masakit lang," sabi pa ni Marvin sa amin.

Tulad daw noong nakaraang taon. Together with Jake Roxas, sila'y nominated for the same award napanalunan noon ni Jake.

"That's why I learned my lesson na huwag aasa sa hindi pa man. Basta, kuntento na lang ako na isa ako sa mga pagpipilian sa category'ng 'yon.

"Kung si Bojo ang mananalo, well happy din ako sa kanya. Kasi nga, he also works hard for what he is now. Nagsisikap din 'yong tao. Kung siya ang mapipili ng PMPC for the award, saludo na rin ako sa kanya.

"Isa pa, magkaibigan din kami," nakangiting sabi ni Marvin.

Madalas daw silang nagkakasalubong sa ABS-CBN premises at silang dalawa'y nagkakabiruan about who will eventually win the trophy?

"Sabi ko nga sa kanya, whoever wins, tagumpay na rin naming dalawa 'yon. I considered Bojo a friend at iisang pamilya kami, sa ABS-CBN kami nag-start n'yan.

With or without the award, Marvin's career is going places. Pagkatapos ng kanilang matagumpay na KAMHM sa takilya, isa na namang follow-up movie, ang Okey Ka Lang? ang uumpisahan ng Star Cinema to launch their loveteam nila ni Jolina Magdangal.

Nagpapatawag na raw yata ng press conference about the movie which will soon start shooting at the summer capital of the Philippines, ang Baguio City, kaya lang, masyadong pressured ang dalawang young stars sa kani-kanilang TV shows. Kasi nga'y may ASAP, Gimik, Onli in da Pilipins at Esperanza itong si Marvin bukod pa sa mga natanguang TV guestings at provincial shows.

"Before we start shooting, dapat ay nakapag-advance (taping) na kami ni Jolina. sabi kasi ni Direk (Jerry) Sineneng, 'pag nag-location kami sa Baguio, isang buwang straight 'yon at walang uwian," pahayag pa ni Marvin.

Kaya't napakalaking sakit ng ulo kapag isang buwang singkad ang huhugutin sa schedules ng dalawang in demand na young stars.

"'Yon na nga ang problema, parang imposible yata. Weekly ang uwian, baka pupuwede pa!" sabay reklamo't ngiting pagtatapos pa ni Marvin sa amin.