Among those were : Dominic Ochoa, Jericho Rosales, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Mylene Dizon, Gio Alvarez, Koolits (Baron Geisler, John Lloyd Cruz and Marc Solis).
Below is an edited excerpt from the interview, focusing on Marvin Aguistin and Jolina Magdangal.
(Marvin Agustin is recently sporting a new hairstyle. It looks better and tidier. Hep Hep Horay!!!)
CF: Okay, eto ang katanungan. Kasi sinasabi nila di ba, marumi raw ang mundo ng showbiz. Pero, nakapagtataka naman, ang dami pa rin ang pumapasok dito sa maruming mundo raw na ito. Kayo mismo, bakit kayo nag-artista?
MA: Totoo iyan Tita Cristy. It's just how you play the game, di ba? Kung paano mo siya..., kung paano mo dadalhin..., direksyon ng buhay mo.
CF: Ay, ba't hindi kayo magkatabi ni Jolina?
JM: Masikip na eh!
MA: Nasisikipan 'yung labs ko eh!
CF: Gusto ni Marvin 'yung masikip eh, (Marvin, originally sitting on the floor, moves up to sit on the sofa beside Jolina).
MA: Thank you, Tita Cristy.
CF: Ayan, diyan, iyan... Magkatabi na sila ngayon. (The crowd cheers aloud as Marvin sits beside Jolina). Jolina?
JM: Sa akin naman kasi, nung pumasok po ako dito sa showbiz, sa akin kumbaga fun with work. Kumbaga, nauna pa rin 'yung fun hanggang sa maging seryoso na siya.
CF: Alam niyo mga kabataan, nung ako eh fan pa lang ng Superstar na si Nora Aunor, ang akala ko, hindi siya natutulog, totoo ito, walang kiyeme. Pero totoo naman pag bata ka di ba? Iniisip mo hindi siya dumudumi, hindi siya natutulog. Ganoon. Kayo, ano ang point of view ninyo, noong hindi pa kayo artista? Ano ang pananaw ninyo sa mga artista?
JM: Ako, feeling ko ang bango-bango nila kasi lagi silang may sampaguita rito. Iyon.
CF: Totoo iyan. Totoo iyan.
CF: Ikaw Marvin, ano akala mo noon sa mga artista na ngayon mo lang napatunayan na hindi pala ganoon?
MA: Ganoon pala kahirap. As in, talagang..., wow, wow, talagang minsan hindi mo na alam may ibibigay ka, binigay mo yung kanan mong kamay, kinukuha pa niya pati 'yung kaliwa. Ganoon.
CF: Buong katawan pa nga kung minsan.
CF: Si Marvin at saka si Jolina, sinasabing produkto ng media hype. Alam naming magagaling kayo, pero may nagsasabing hindi raw naman kayo kagalingan, pero produkto nga raw kayo ng mga press people na kalapit ninyo. Kayo ba hanggang saan ang limitasyon na kayang pasukin ng press people sa buhay niyong dalawa?
JM: Siguro po depende rin. Like ako, alam ko 'yung limitasyon ko kung ano lang ang ikukuwento ko sa press. And kung ano lang ang gusto kong ipa-alam sa kanila. Para mayroon pa rin akong natitira para sa sarili ko.
MA: At saka Tita, I think naman na alam rin ng mga press kung ano yung, kung ano lang yung dapat na ginagawa nila o kinukuha nila. Paano ba ito, yun, parang minsan yung privacy alam naman nila na kung hanggang saan lang dapat yung ilalabas nila.
CF: Hanggang doon lang.
MA: Hanggang doon lang. Alam naman nila kasi kung ano yung tama at yung mali.