Kapansin pansin ang biglang pagbabago ng aura ni Marvin Agustin ngayon. May kinalaman ito sa namumuo nilang relasyon ni Jolina Magdangal. Kitang kita kase sa mga mata niya yung glow at saya na kanyang nararamdaman. Kaya nung mapansin namin iyon tinanong namin siya kung si Jolina ba ang talagang rason?
"Well, siya na nga. Kase naman, nagulat talaga akon sa naging sagot niya kay Tita Cristy Fermin noong nakaraang Showbiz Linggo dahil nindi ko sukat akalain na sasagutin yun ni Jolina on-air, talagang nanlamig ako,feeling ko tuloy napaka-tyope ko naman dahil si Jolina mismo, nasagot niya ng walang kagatol gatol yung tanong sa amin, nung sabihin niyang ako lang ako lang naman yung hinihintay niyang mag-propose, talagang feeling ko eh tumama ako sa lotto, dahil imagine mo naman, parang sinagot na rin niya ako dun." masayang turan pa ni Marvin habang nilalakbay namin ang kahabaan ng Batangas kung saan may show sila ni Jolina nung gabing makausap namin siya sa kanyang sasakyan.
Bakit ba?? Napakatameme mo naman , hayun at si Jolina na mismo ang naghihintay na mag-propose ka? Ano ba talaga ang dahilan at magpahanggang ngayon eh hindi mo pa masagot yung katanungan kung kailan ba talaga kayo maging magsyota ni Jolina.?
"Kase, ayaw kong maging showbiz yung relasyon namin dahil sa magka-loveteam kami, tulad nga nang sinabi ko noon, gusto kong maging totoo kami ni Jolina sa isa't isa. Yung kase ang gusto kong mangyari, hindi lang dahil magkaloveteam kami kundi dahil mahal talaga namin ang isa't isa."
"Kase nung tanungin kami ni Tita Cristy, hindi talaga ako nakahanda na sagutin yun kaya medyo nagpalabok labok ako. Pero ang talagang feeling ko that time. Hindi ako halos makapagsalita dahil nanlalamig ako. Nakita mo naman siguro yung reaksyon ko dahil andun ka rin naman nung mga oras na yun. Pero sa totoo lang, ang saya saya ko nung araw na yun. Naisip ko tuloy na ibigay sa kanya yung gift ko na something special I know na natuwa si Jolina sa binigay kong necklace, special talaga yun para sa kanya. Siguro by this time eh suot suot na niya yun." Pagmamayabang pa ni Marvin.
Teka, hindi ba't noon pa niya sinasabi sa amin na nililigawan na niya si Jolina . Ano't sabi niya on air na pormal p lang niyang hiningi ang blessings ng Parents ni Jolina sa panliligaw na gagawin niya dito. Hindi ba't ang hinihintay ng mga fans nila eh yung matamis na OO na ibibigay sa kanya ni Jolina? Mukhang magulo yata yung mga sinasabi niya!!
"Hindi, ang ibig sabihin nun eh gusto kong ipaalam na pormal na akong manliligaw sa anak nila. I mean , matagal na naman akong nanliligaw dyan kaya lang hindi pa talaga alam ng parents niya. Nung minsan kase naglakas loob na akong sabihin sa kanila na seryoso na ako this time na talagang mapa-oo yung anak nila. tapos sinabi naman nila sa akin na okey lang naman sa kanila, basta huwag ko lang daw paiiyakin yung anak nila. dahil naku, si Daddy daw ang makakalaban ko!!
Teka, hind ba bago magpasko eh nagkatampuhan sila, nagkabati na ba sila nung time na umamin si Jolina sa publiko na siya lang naman ang hinihintay ng dalaga?
"Ah, oo nagkabati kami nung parade nung MMFF, sa float kami nagkabati "
So okey na pala kayo ngayon?
"Oo naman, okay na okay kaya nga eto nagniningning ang aking mga mata na tipong nagpaparamdam na inlove na inlove talaga ang alaga mo" Pagmamalaki pang muli ni Marvin.
Bago pa namin narating ang Batangas, sinabi sa amin ni Marvin na simula nung araw na yun, lalo siyang naging close kay Jolina, lalo niya itong minahal na sa pagkakataon ito, eh handa na siyang suungin ang lahat ng hirap, mapasagot lang si Jolina.
"Handa na talaga akong pasukin yung realsyong mnore than friends namin ni Jolina, kahit anong hirap kaya kong tiisin dail mahal ko ko siya at sana hindi na rin magtagal yung pagsagot niya sa akin dahil excited na rin ako maging gf siya. siguro kung mangyayari yun, ako na yata yung pinakamasayang lalake dito sa mundo. Oy! hindi showbiz yun ha, totoo yun at sana dun sa mga fans nan naghihintay kung ano ang kalalabasan nitong panliligaw ko kay Jols eh huwag sana silang mainip dahil nakikita naman nila na malaki ang pagasa kong mapasagot yung labs ko diba??" Huling pagsalita ni Marvin!!