NATSITSISMIS SILA NI MARVIN:
"Binibigyan nila ng ibang kahulugan ang pagiging mag-bestfriend namin ni MARVIN!"

by: Julie E. Bonifacio

May lumabas na tsismis noon kay Spencer at MARVIN AGUSTIN. Nadagdagan pa ito ng balitang may nakakita sa kanilang nagho-holding hands sa isang disco.
"Natawa nga ako noong mabasa ko 'yon. Kasi binibigyan nila ng kahulugan 'yung pagiging mag-bestfriend namin ni Marvin. 'Yung sa Mars, hindi totoo 'yon. Bakit naman kami magho-holding hands ni Marvin doon? Siguro 'yung nakakita sa amin, kasi palabas na kami ng Mars ni Marvin noon, napadaan lang sa disco at saktong palabas kami, tapos nagpaalaman na kami ni Marvin. dahil uuwi na siya after noon, ako rin uuwi na. Nagkamayan kami. Pero hindi naman holding hands. Noong nakita siguro kaming nagkamayan ni Marvin, binigyan na ng ibang kahulugan noong nakakita."

Madalas ba nilang gawin 'yon ni Marvin?
"Actually, nagkataon lang na parehong wala kaming trabaho ni Marvin that night. Kasi kami ni Marvin, pati si Judy Ann, madalas kaming lumabas kapag may taping kami, kumakain kami. Tapos nagtatawagan kami kapag walang trabaho, nagyayayaan kami na lumabas, ganoon. Kasi sila na 'yong talagang magbe-bestfriend doon, eh. Gaya ngayon, alam ko na may shooting si Marvin kasama si Jolina. Tapos si Juday nagsho-shooting din kasama si Onemig (Bondoc). Noong nag-disco kami ni Marvin, nagkayayaan lang dahil wala kaming trabaho. Parang nag-unwind lang kami."

Anong reaction ni Marvin noong magkita sila at mag-usap sila?
"Ako, walang reaction doon. 'Tsaka 'yon nga nag-usap naman na kami. Okey lang 'yon sa amin, nagtatawanan kaming dalawa. Kasi alam naman naming hindi totoo."

Nasira ba ang friendship nila dahil sa tsismis?
"Hindi. Hindi naman kasi namin sineseryoso 'yan. Kasi nga, alam naman namin sa sarili namin na hindi totoo 'yung mga balita sa amin."

Being close to Marvin, isa siya sa makakapagsabi kung totoo nga ba ang tsismis kay Marvin na pinagdududahan ang gender nito?
"Ah, oo. Pero tingin ko diyan hindi talaga totoo. Wala, wala akong nakikitang sign na ganoon si Marvin. Alam ko dahil lagi ko siyang kasama sa Esperanza."


SPENCER REYES