SA SANDALING KAILANGAN MO AKO

by: Ruben D. Marasigan (Kislap Magazine 12/07/98)

Isang napakalaking turning point sa acting career ang pagiging lead sa very first mini-series ng Channel 2 at regular na mapapanood sa Lunes, 9:00 to 10:30 ng gabi for eight weeks. Pinamagatang SSKMA, ito'y ipinamamahalaan ni Direk Olivia Lamasan and was line-produced by Star Cinema.

"Ito bale ang biggest break for me. Noong una, hindi talaga ako agad makapaniwala nang sabihing mauurong nga ang SDT dahil sa series na ito na ako nga raw ang bida. Tailor made pa raw ito for me, kaya mas lalo akong na-excite at na-inspire."

Early next year na lang matutuloy ang pagiging featured actor ni Marvin sa SDT. Nangako naman ang executive producer ng naturang drama anthology na 'yung apat na stories na naki-sit-in si Marvin during the brainstorming, iri-reserve raw para sa kanya.

Maiituturing na isang big challenge ito for Marvin who's now out to prove his worth as a genuine talent of Star Cinema at ABS-CBN.


December 1998