In fact, nang dahil nga sa pagbu-boost sa kanilang loveteam ay nabuo ang pelikulang Kung Ayaw Mo Huwag Mo at kasama pa ang nagbalik-tambalan na sina Maricel Soriano at William Martinez.
Aba, bihira lang sa mga youngstars natin ang nakaka-experience ng support na tinatamasa ngayon ng dalawa.
Paminsan-minsan ay tinitira rin sila ng kanilang mga detractors pero mabilis din itong lumilipas dahil hindi sila pinapabayaan ng kanilang mother studio.
Sana nga ay huwag balewalain nina Jolina at Marvin ang suportang ibinibigay sa kanila ng kanilang mga managers unlike other loveteams na taken for granted lang ang ganitong klaseng suporta.
Huwag na nilang hintayin na magdialog ang ABS-CBN ng "... kung ayaw mo, huwag mo ..."