VALENTINE DATE NINA MAJ

by: Joey Diego (Teen Magazine 03/05/98)

Naka-black sleeveless blouse at maong si Jolina at naka-long sleeves polo at slacks naman si Marvin. Galing sila sa TV promo ng pelikula nilang Kung Ayaw Mo Huwag Mo sa Channel 7 at dahil pareho silang may susunod pang commitment ay isiningit na nila 'yung date nila na originally ay sa cruise dapat nila gagawin. Hindi na nila maisingit pa 'yung ganu'ng date pero natuloy din sila bago inihatid ni Marvin si Jolina sa dubbing nito sa Roadrunner.

Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa. Feeling nila, walang tao sa paligid at talaga namang sweet na sweet sila sa isa't isa.

Nagsusubuan pa nga sila ng pagkain at halatang mas sweet si Jolina dahil cute na cute nga itong tingnan habang nilalambing si Marvin.

Itsurang gutom na gutom naman si Marvin habang kumakain dahil seryosong-seryoso ito kaya't nang mapansin ni Jolina ay mas lalo pa niyang sinubuan ang kanyang My Labs.

Halos isang oras din silang nagkuwentuhan, naglambingan at s'yempre napag-usapan din nila 'yung tungkol sa kanila. Pero off the record na raw 'yun! Hmm, mukhang may inililihim na ang dalawa, ha! Natawa na nga lang sina Marvin at Jolina nang pakialaman namin 'yung date nila, pinapose kasi namin ang dalawa habang paakyat at pababa ng restaurant. Anyway, may permiso naman kami sa dalawa at pinagbigyan ang aming kamalditahang pakikialam sa kanilang date.


PICTURES