SOULMATE

by: Chan Chan Torres (SuperTeen Magazine 03/15/98)

Ano nga ba ang isang soulmate? What does it have to take para magkaroon ka o makita mo siya? At paano natin malalaman na soulmate natin ang isang tao? All these questions comes to mind kapag nagwi-wish tayo na sana, eh, makakita na tayo ng taong para sa atin talaga. Kaya, it's time to ask our fave stars kung naminiwala ba sila rito at kung ano ang isang soulmate for them. Start na...


MARVIN AGUSTIN

"Oo naman. I believe in soulmates. Suwerte ka if you've found one for you. Ang importante lang naman diyan, kung ano ang meron kayo ng isang taong malapit sa iyo, ke soulmate mo or not, eh, iingatan natin 'yan. 'Yung pagiging soulmates yata, eh, nawo-work out din 'yan, eh, 'yung bang each day is a learning experience para sa inyong dalawa. Nandoon 'yung, you discover new things about her. Pero siyempre, nandoon din 'yung pagtanggap mo sa kung anuman ang pagkatao niya."



Hindi lahat ng mag-soulmates ay nagkakaluyan. Lifetime partners o friends, puwede pa. Pero some guys are just born lucky, minsan 'yung soulmate nila, eh, siyang nagiging kasama pa nila habambuhay. Depende kung ano ang destiny mo. Being a soulmates or having one doesn't guarantee na magkakaroon kayo ng mga malalim pang relasyon not unless you guys decide to get into that. The improtant thing I guess is that kung anuman ang special bond, make the most out of it. Dapat pagkaingatan 'yan. You'll know you have found one when there's ..."magic".