Antonio Misajon
ORDINARYONG MUNDO
I
Ang daming maganda
maraming masaya.
Ang mundo ko ordinaryo.
II
Kay raming magkamukha
Ang daming magkapara
Ang mundo ko ordinaryo
II
Lahat iba-iba
Lahat sama-sama
Lahat kanya-kanya
Sa mundo kong ordinaryo
IV
Ang daloy ng panahon
Bukas mula pa noon
Laging nagiisang lumalaon
Bahagi ng buhay ko
Madalas nagbabago
Pero may naiiwang katiyakan
Ang plano'y gumuguho
Pag-ibig nabibigo
Sa laban ako'y sumusuko
V
Walanghanggang dilim
kislap ang sasaling
Kaya nga merong pag-asa
Iwan mang nagiisa
Limuting lumuluha
Ang tibay 'di mawawala
Pagkat sa mundo ko
Naro'n Ka.
1992