Nuong madalas pa akong tumambay sa Alabang, isang gabi ay may dumating
na kaibigan kong taga Cabite at inanyayahan kaming kumain sa bahay nila nuong gabing iyon kaya nagmamadali kami ni bro. Jimmy na pumunta sa kanila.
Habang naglalakad kami sa tapat ng isang malaking supermarket, e may isang lalaking nahulog sa pusaling kanal,mga limang talampakan din siguro ang lapad na may lalim na tatlong piye. Nagtawanan lahat ng nakakita at lalong lumakas nang unti-unting umaahon ang lalake na nangingitim sa dumi.
pero ako, hindi ko ikinatuwa iyon,
Ako kasi iyong nahulog eh.


Ang buhay ay kagaya rin ng isang patawa. Kapag may ikinuwento akong patawa at hindi ka natawa, ibig sabihin, hindi mo naintindihan.


art