№H geocities.com /Area51/Zone/2508/kubol.html oocities.com/Area51/Zone/2508/kubol.html elayed x №IдJ џџџџ џџџџџџџџџџџџџџџџШ @гл OK text/html чh џџџџ b.H Fri, 03 Sep 1999 21:23:16 GMT Ы Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98) en, * №IдJ
Kubol Pilipino
Kubol Pilipino
Maayong udto sa inyo! Kinagagalak kong ihandog ang pahena alang wikang pambansa, wikang Pilipino. Ang wikang Pilipino ay mahalagang pamana natin, bilang mga Pilipino, mga tagamana, tagairog ng bayang Pilipinas, mga mamayan, kabayan, katutubo, at ankan Nya, at mga kalikasan, lupa, hangga, at kapangyarihang sakop Nya.
Pasimula, ay mga sagot sa mga tanong, maaari nyong dapat alamin
Ano ang wikang Pilipino?
Ito'y wika ng mga Pilipino na nakatira, nanggagaling, nagsisimula, nababatay sa pamana, kultura at uso sa panmasa, tiwasa sa Pilipinas. Ang opisyal at tanggapang panmasa at basenan ng wikang Pilipino ay Tagalog, at mga dagdag na hiram, o ampon, nainatural mula sa mga dayuhan, etnikong/rehyonang Pilipino, mga salitang kalye, bigkas uriang/antasang lipunan, usong kasabihan panlalawigan, at makabago o modernong termo sa oras natin. Ang pambansang wika ay taga-isa ng buong sambayanang Pilipino, kaya dapat isapuso, ankining sarili, ipag-Pilipino.
Bakit Kubol ang pamagat sa pahena na 'to?
Ang kubol ay uri ng tahanan mahahawig-lapit sa bahay-kubo, ngunit ito'y mas-liit, mas-sarilihan, sinauna, na isang tao lang, gaya ko, ang kayang tumira ritong matino. Ito'y sagisag pagkamababangloob, simpleng buhay ko. Ngunit, kanoman kaliit 'to, sulit na ang mga sangkap ari ikabubuhay, may lugar pa ring magpatuloy ng mga kaybigan, magsensen sating pamanang Pilipino. Kaya tuloy kayo, kaybigan, matuloy saking kubol, at salamat san'yong pagtuloy. Sabay tuklasin natin ating wika't pamana!
Sino ako?
Ako si Dennis V. Capistrano, ang maylagot sa lahat ng nataga rito sa kubol Pilipino, at sa labas tanikala na saklaw ng hp natittulo 'Dennis' Mansion'. Kun nabasa nyo na ang pakilala ko sa berso Ingles, ay sapat narin yun. Bilang laking Pilipinas, sa pagaarugang mabuti ng aking mga magulang at ankan, at sabay lumaki sa ibayong lupa, kasama ang mga dayuhan, natuto akong umintindi sa kanilang urig na kaugalian at pamumuhay. Natuto akong tumanggap ng nakakaiba, sabay sa pagtuklas ng saysaysarili at pamanang Pilipino, para ipag-utwag. Ngayong ako'y maykaya na mag-expres ng sarili, ipagmalaki ang sariling atin, handog ko ang aking adhika, tayo'y malaya!
Kaya ang mga susunod, ay aking mga latha sa wikang pambansa, mga bansag na siping panmakabayan, at mga galugad sa mas abanteng sona ng pagkaPilipino. Kinukumbida ko rin na mag-ambag kayo kabayan ng inyong mga akda, na makabulohang kuro-kuro, salik, adhika sa wikang atin. Maglibang kayo!
--------------------