Isa sa mga wild ducks na ito ay si Wally. Isang araw habang lumilipad sila,
napansin ni Wally ang mga pato sa bukirin. Masaya. Nanghihinain
ng mais at nagtatampisaw sa putik. Sinabi niya sa sarili
”Masarap sigurong kumain ng mais, maglaro at makipaghabulan sa ibang pato.
Nakakapagod na ring lumipad, Sasama ako sa kanila.”
Mabilis na nag-isip si Wally, kumalas sa V-formation at dumirecho paibaba
sa bukid. Nakihalubilo sa ibang mga pato. Ginaya ang mga pato.
Samantala, nagpatuloy sa paglipad ang ibang wild ducks patungong Timog.
Naibulong ni Wally sa sarili.. “Babalik ako sa kanila kapag pabalik na sila sa Norte”.
At namalagi si Wally sa bukirin at namuhay na kagaya ng mga pato.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Isang umaga, napansin ni Wally ang mga
kasamahang wild ducks na pabalik na sa dating direksyon. Napahanga siya
sa ganda ng formation ng mga ito kaya’t nasambit niya “Nakakapagod
na ring maging isang pangkaraniwang pato, nasa putikan lagi. Marumi.
Maingay. Lilipad na uli ako.”
Ikinawag ni Wally ang kanyang pakpak subalit hindi siya makaangat.
Sinubukan niya ng makailang ulit subalit mabigat na ang kanyang katawan.
Sa dami ng mais na kanyang kinain ay tila yata hindi niya makayanang makalipad pa.
Sinubukan pang muli subalit kadalasan ay bumabagsak siya sa putikan. Wala na siyang ehersisyo.
“Sige na nga” bulong niya sa sarili “Kapag bumalik na sila patungong Timog,
saka ako lilipad at sasama sa formation”
Sa pagdaan pa ng mga panahon, mapapansin muli ang kahanga-hangang paglipad
ng mga wild ducks. Minsan pa, ikakawag ni Wally ang kanyang mga pakpak saka l
ilipad subalit kasunod noon ang kanyang pagbagsak dahil sa kabigatan.
Hindi na niya sinubukang lumipad muli. Hindi na rin niya pinapansin
ang mga dating kasamahan kapag sila ay daraan sa himpapawid.
Minsan, pinagsasawaan o kinatatamaran na rin ng mga Kristyano ang isang uri
Sikapin nating makabalik sa V-formation sa mga pagkakataong kumakalas man
ng katauhan na hinangad ni Hesus para sa mga tagasunod niya. Mahirap maging
“follower” ni Kristo. Kadalasan mas madali pang kumalas sa V-formation (mag-volt-out).
Kumain, magtampisaw sa putik, magpakasasa at yakapin ang kaparaanan ng mundo.
Subalit ito raw ang “trap” ng Diablo upang muling bumalik ang mga Kristyano
sa kadiliman. Sa mga dating gawi.
tayo sa mga gawain. Sadyang hindi madali subalit sa tulong ng Banal na Espiritu
ay kakayanin at maipagpapatuloy ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos para sa
lahat ng mga tagasunod ni Kristo.