Christmas 2001
|
Hayan!!! mga pektyur ng pangangapitbahay namin nuong Pasko sa Ligas, Moonwalk at Alabang... Ay!!! wala palang pictures from Ligas... kasi nagmamadali kaming umalis papunta Moonwalk at Alabang e... nasama na rin pala mga picture nung pumunta dito sina lola para sunduin sina Tita Gloria at Tita Mildred from the airport nuong December 23... nang mag-Christmas show si Shye sa Uniwide din... St. Scholastica - kung saan akala namin nasa maze kami dahil sa dami ng lagusan sa bahay nina Nanay... Alabang... where kain lang kami ng kain... pero nang kumanta na si Lailani ng VCD e nagka-yayaan nang umuwi ang lahat and call it a good night...
Additional pictures...after the show sa Uniwide, na pinanood nina Lola, shooting sa bahay... see pics sa http://shyrelle0.tripod.com/shows.htm Nuong nag-guest si Shye sa Veraville 3 sa may Moonwalk nuong December 23... kung saan pinatikim kami ng adobong sawa, fried frog legs at ginataang suso... yuck!!! (Hep!!!! suso as in snail... not the other... ikaw talaga! napaka green-minded!!!) Dito, ang mga tao ay sports-minded daw (meaning, mahilig sa sports at atleta ... hindi being sport?). Sabi kasi ng isa sa mga speaker for the games ay be sports-minded daw habang naglalaro ng parlor games e... I am such a stickler for diction... yes... diction. Meaning, choice of words. Diction is not how you pronounce words... Diction is different from Pronunciation... kse naman... you should try to enunciate the words clearly so you won't be misunderstood...
December 25, 2001May mga bisita kaming pumunta. Mga from Marikina. so entertain muna... sina Ate Menchie, her husband and son, and her family...
click HERE to return to Bulaclac Page
Tapos, pumunta kami sa Breakwaters sa may Manila Bay... para ipasyal yung van nina Kuya Eve at Popcorn... feeling mga turista kami... mga turistang jologs!!! inihaw na pusit lang pala ang katapat namin doon... kahit na mapanghi, maraming tao at nakalilimahid ang lugar, nagsaya kami kasi marami kaming pumunta...enjoy... basta you're in the company of family, you will always enjoy, di ba? don't deny!!!
|