Zak Yuson |
KOOL KID
ECO (a.k.a. Zak Yuson) Name: Zacharry Jose Lim Yuson Age: 20 Birthday: February 23 School: U.P. Diliman Course: Political Science E-mail: zak@i-manila.com.ph WHAT YEAR DI YOU JOIN 5 AND UP? “ 1991… I was 9 then. Junior Probe Team siya nung una. Pinatawag ako ulit for 5 and up, ‘di ko pa alam na 5 and up. Then, nung taping na ‘yon, dun ko lang nalaman na 5 and up”. WHAT DO YOU MISS ABOUT 5 AND UP? “ Lots… siyempre yung company, yung kalokohan. Bata pa kami e marunong na kami. Yung mga out of town trips at yung mga late night spent, halimbawa, voicing or spiels. Especially yung mga food stories… lastly, actually ‘di ko rin siya namimiss kasi andun na ‘yon, yung friendship. MOST MEMORABLE STORY? “ Marami… siguro, for te sake na na–trauma ako , yung Swift hotdog story ko. Pumunta kami sa factory kung saan ginagawa yung hotdogs. Pinakita sa akin yung whole process, siyempre bata pa ako nun. Mula sa pagdadala ng baboy sa slaughtery area, pagkatay niya, pagtanggal ng balat niya… everything… tapos pinakain ako ng hotdog… perfect, no?” FAVORITE STORY? “ Germany, kasi one of a kind experience. Gusto ko rin yung mga splunking story ko(cave exploration)”
FAVORITE MOMENT SA 5 AND UP? “ Marami… sa dami-dami ng mga favorite moment, nakakalimutan mo yung isang specific moment…
DO YOU STILL WATCH 5 AND UP? “ Hindi na masyado. Actually, yung excuse ko dati was may ROTc, pero ngayon ‘di na ‘ko nakakagising ng ganong kaaga… pero nakikita ko yung mga out-takes sa CBB ( closing billboard)” REACTION ABOUT 5 AND UP THEME BEING MATURED? “ At first, nabigla talaga ako, parang, 5 and up ‘ba ‘to? or isag teen show na drama, pero naisip ko na it’s about time na rin na mag-develop siya sa to that level kasi mas matured na rin yung audience na nanonood. As long as hindi mawawala yung atmosphere…yung interest, yung curiosity ng mga tao, especially ng mga nanonood, then no matter what format you do, it’s still 5-and-Up” HISTORY NG KOOL KID ECO “ nung una kasi ayokong mag- Kool Kid Eco kasi nga naka-shorts. Kasi yung mga pinapagawa sa akin, sinisigawan ko yung mga taong nagtatapon ng basura or maglalakad ako, naka-cape tsaka naka-shorts, parang…baduy! Mga 10 ako no’n. E, pinapanood pa ako ng mga friends ko.. pero after a while, I eventually learn to love it kasi it had a message and I realized that it’s something close to my heart na halimbawa yung pagtatapon. So, ngayon pag may nakikita akong nagtatapon ng basura, talagang sa loob-loob ko, yung KKE instinct ko, masama kang tao. Ironically, ang first story nga KKE tungkol sa fleas, yung sa aso, kung papaano tanggalin yung fleas. ANONG REACTION MO NUNG PINALITAN KA NI JOSH AS KKE? “Hurt…hurt (laughs)…isa lang dapat ang Kool Kid Eco!” SINO SA MGA REPORTERS NGAYON ANG PWEDENG PUMALIT NA KKE? “Si Patrick…Kool Kid Eco din siya…Cool…siya naman letter C” I personally ask him about his interest. He said that he likes meeting other people and getting to know them. “Dun ko natutunan yon sa 5andup. Dati kasi shy ako, I was able to get the confidence to approach people”. Traveling and experiencing life in general are also included on his list. FAVORITE PLACE NA NAPUNTAHAN? “ Italy, napaka-romantic kasi…romantic ako e (naks!), tapos, napaka-serene. Sobrang ganda rin kasi ng culture ng Italy. Hanggang ngayon, na-preserve pa rin nila yung culture nila”. IF YOU WOULD LOOK AT THE LIFE OF A PERSON, WHO WOULD IT BE AND WHY? “ Si Ninoy Aquino… nung bata ako, idol ko talaga siya, tingin ko sa kanya perfect politician. Siyempre, as you grew older, you learn things about his life , and you’ll know that he’s not really a perfect guy. And yet, he was able to change the minds of people…” FAVORITE SUPER HERO? “ Nanonood ba kayo ng Sesame Street? Si Little Super Guy…kasi feeling ko kahit nasa glass siya, kaya niyang pumunta kahit saan”. WEIRD THING ABOUT YOU NA OK LANG MALAMAN NG IBA? “ Minsan tumatawa lang akong bigla…halimbawa maraming tao tapos tatawa lang ako (laughs)…tapos lahat ng tao titingin sa akin” FAVORITE BOOK? “ Jonathan Livingston Seagull by Richard Bach. Tungkol siya sa isang Seagull na ayaw maging mediocre. Gusto niyang gawin yung gusto niya in his own time…” THING THAT YOU WANT TO DO BUT YOU CAN’T? “ Siguro, be naturally charming…because it takes charisma to be charming. It’s not something you acquire, it’s something that you have inside. Gusto ko sanang mag-acquire ng natural charm, e since natural nga siya, hindi mo puwedeng i-acquire”. DREAM CLIMB? “ isang mountain sa Nepal…naisip ko lang na may isang mountain sa Nepal na kailangan kong aktatin (smiles)… or dito sa atin, Halcon”. FUTURE PLANS? “ I want to be a journalist or a photojournalist…actually hangarin ko ring maging bum for a while(laughs)…’de joke lang. Actually I want to work. I want to write to PCIJ(Philippine Center for Investigative Jounalism).” this interview wouldn't have been possible if weren't for the help of aTe GrAcE! thank you! |