» Hello Again Stranger
TEASER:

Hinarang ang sinasakyang bus ni Amanda. Nadagdagan ang sindak niya nang sabihin ng estrangherong nagngangalang Mitch sa mga kidnappers na mag-asawa sila. Sa kabila niyo'y tinangay pa rin silang dalawa. Alam niyang halinhinan siyang pagsasamantalahan ng mga ito at papatayin pagkatapos. At naipasya niyang ipagkaloob na muna ang sarili sa estrangherong lalaki bago mangyari iyon. Mitch obliged sa pagpipilit niya. Nakatakas siya sa tulong ng estranghero na inakala niyang napatay dahil sugatan ito nang iwan niya.

Five years later they met again at nanatiling wala siyang alam sa pagkatao ng lalaki. Pero ano ang gagawin niya kung malaman ni Mitch na anak nito ang batang ibang lalaki ang kinikilalang ama?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Ruth Ann; teaser by Brenda.
» Ikaw Ay Ako, Ako Ay Ikaw
TEASER:

Alam ni Cassie na naaksidente siya sa laot. But its too much of a coincidence na nagkamalay siya sa pribadong baybayin ng mga Dela Garza. Naroon na si Anton dela Garza at pinagpala siya. Noon lamamg niya nakita ang binata subalit nalaman niya n ito’y kapatid ni Robert, ang asawa ng kanyang kakambal na si Cheska. At sa pagkamangha ni Cassie ay inakala ng lahat na siya ang kakambal.

When she thought it was useless to argue, hinayaan niya ang lahat n maniwalang siya si Cheska. Anton dela Garza fell in love with her…as his brother’s widow.

Now she’s being accused of murdering her husband bilang si Cheska. Nang dalhin niya si Anton sa Mindoro upang patunayang siya si Cassie Patron ay dinatnan niyang naroon si Cheska bilang siya. Ang tangi niyang pag-asa ay ang tiwala at Pag-ibig ni Anton dela Garza na ngayon ay unti-unti nang nabubuwag ng mga matitibay na ebidensiya laban sa kanya.

Is there a way out of this tangled web of deceit?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Che.