Simple at napakahirap ng hamon ni Mang Serapio. Hindi maaaring
hindi
Magmahal ang tao. Sinasayang at winawasak ng taong takot makisangkot
at
Mag-alay nang buong-buo ang kanyang buhay at daigdig. At sa kabila ng
Mapang-api at mapanakit na balangkas ng lipunan at ng buhay, gagawa
at
Gagawa ng paraang umibig at manindigan ang tunay na tao.
Paano maituturing na huwaran si Serapiong baliw at bigo? Ni hindi tao
Ang kanyang inibig kundi alaalang patay na. Wala siyang nailigtas o
Namulat. Marahil ito ang dahilan--saksi siya at hukom. Siya lamang
ang
nakakakita ng tunay na buhay ng tunay na tao. Siya lamang ang
nakapagpasya
ng may paninindigan at pananagutan.
Ipinamumukha ni Mang Serapio sa kanyang mga tagapaglitis na hungkag
at
Basag ang anumang kayamanan at kapangyuarihang natamo sa pamamagitan
ng
Pang-aapi at paniniil. Dakila nga ang maaabot ng simunang matututong
Gumamit sa tao bilang kasangkapan lamang, ngunit kasimpait at
kasinsaklap
Ng abo ang tagumpay na ito.
Kung gayon, hindi na kagulat-gulat ang
samut-saring interpretasyon at
Pagtatanghal ng Paglilitis. Sapagkat tunay
ngang umaalingawngaw ang tawag
at hamon ni Serapio sa bawat landas at
lansangan ng buhay-tao. Sa krus ng
kalbaryo, sa pulang ilaw ng putahan, sa
palaruan ng mga bata, sa pandayan
ng gusali, at sa bawat lugar na may taong
sinisiil at may diwang
Ali Figueroa |