Hindi ba't masarap tumawa nang tumawa nang tumawa nang tumawa nang wala kang iniisip kundi
ang pagtawa mo at pagtawa rin ng iba?
Salamat sa Diyos,
Last Prod. na ito.
Salamat sa Diyos,
Kyut ka pa rin.
Salamat.
Marami tayong dapat
Pasalamatan,
At marami pa...
Mag-uusbong ng panibagong
Bulaklak ang ENTA
Salamat sa Diyos, may pag-asa.
Emerson Z. dela Cruz
Sa mga pagkakataong ito iisa lang ang masasabi ko...ano ako?
Sergio G. Apostol, Jr.
Gusto ko sanang lumikha ng daan-daang dula. Hangarin kong bumuo ng libu-libong mga tula.
Naisin kong magtrabaho sa milyon-milyon pang produksyon tulad nito.
Kaso lang tinatamad ako. Buti na lang at gradweyt na ako...makakatulog na ako.
Mervin Jeffrey C. Ignacio
|