- gamitan -
ipikit mo ang iyong mga mata
ano ang iyong nakikita?
ganyan ako sa iyo.
buksan mo ang iyo palad
lahat natutupad
ganyan ako sa iyo.
tatlong pitik sa langit
ako'y agad na lalapit
ganyan ako sa iyo.
bakit lahat ng iyong binabato
ako ang sumasalo?
ganyan ako sa iyo.
©localtrash
back