- silip -


naglalaro sa gitna ng panaginip
bawat eksena pauli-ulit
gabi-gabi pinipilit
na sana'y wag nang maisip

mundo ko'y nakatakip
bawat mata'y nakapikit
alaalang mapait
puso ko'y sumisikip

sana sa isang idlip
di na magtatanong kung bakit
sana kahit isang saglit
alaala mo'y wag ng sumilip

©localtrash

back