FILIPINO REVIEWER
Kahalagahan ng Wika
◊instrumento sa pagpapahayang ng iyong iniisip at nararamdaman
◊daan ng pagkakaunawaan
◊susi ng pagkakaisa
◊mahalagang sangkap ng nasyonalismo
WIKA
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng maga tao na nabibilang sa isang kultura.
Katangian:
◊Dalawang Masistemang Balangkas (tunog, kahulugan)
◊Arbitraryo (kahulugan depende sa pinagkasunduan ng mga taong gumagamit nito)
◊Sinasalitang tunog
◊Pantao
◊Komunikasyon
◊hindi maihihiwalay sa kultura
Iba Pang Katangian
◊maiikhain
◊nagbabago
◊natatangi
Kasaysayan ng Wikang Filipino
7,1497 – pulo sa Pilipinas (86 na wikain)
8 pangunahin:
◊Tagalog ◊Cebuano ◊Ilocano ◊Bicol
◊Hiligaynon ◊Kapampangan ◊Pangasinan ◊Waray
Panahon ng Kastila: nagpasaya ang mga prayleng sila ang mag-aral ng wikain
Panahon ng Propaganda at Himagsikan: pagkamulat ng isipan at damdaming makabayan; ilustrado-lumabas ng bansa; akdang pampanitiakan naglantad ng katiwalian ng pamahalaan
Panaon ng Malasariling Pamahalaan: nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ni Manuel Quezon; ngayo’y naging Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
Panahon ng Amerikano: layunin ng pananakop magturo ng demokratikong paraan ng pamumuhay; pagtuturo ng Ingles para sa mabisang pakikipagtalastasan
◊PangMcKinley: Kom. Schurman: Pangangailangan: walang gugo at pambayang paaralan
◊Kom. Monroe at Taft: nag-aral ng suliranin sa edukasyon at wikang pantao
Panahon ng Hapon: ipininid ang paaralan; ipinagbawal ang Ingles; umunlad ang panitikang Tagalog
◊1973 Constitution: Ang Batasang Pambansa ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pag-develop at pormal na pag-adopt ng isang wikang pambansa na kikilalaning Filipino
◊1959: Pilipino batay sa Taalog
◊1974:Patakarang Bilinggual
◊1987 Constitution: ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino:
◊pambansang lingua franca
◊pangunahing wika ng gobyerno
◊wika ng edukasyon
Bakit Tagalog?
◊marami ang nagsasalita nito
◊maraming mga akdang naisulat
◊wika sa Maynila na siya’y sentro ng pamahalaan
Gonzalo Flores: Tagalog
Gamit ng Gitling
1. sa pag-uulit ng salitang ugat
◊araw-araw ◊tabi-tabi
◊kuru-kuro ◊halu-halo
2. kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang ugat na nilalapian ay nagsisimula sa patinig
◊nag-aral ◊tag-ulan
◊pag-uulat ◊mag-isip
3. kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama
◊bahay na kubo = bahay-kubo
◊bahay na bata = bahay-bata
◊silid na aralan = silid-aralan
4. kapag ang isang panlapi ay inilalapi sa unahan ng isang ngalang pantangi
◊maka-Erap ◊taga-Nueva Ecija
5. kapag ang panlaping ma ay iniuna sa mga pang-rui lalo na sa mga nagsisimula sa m at nagbibigay ng kahulugang maging
◊ma-mayaman ◊ma-maganda
◊ma-mahina
6. ika at tambilang
◊ika-7 ng gabi
◊ika-10 ng Dis.
◊ika-30 ng pila
7. patitk na praksyon
◊tatlong-kapat ◊dalawang-kalima
◊tatlong-kaanim
8. kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal
◊tawang-aso ◊dalagang-bukid
◊barong-Intsik ◊punung-kahoy
Ngunit kapag nawawala na ang likas na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatatambal ang nagkakaroon na ng ikatlong kahulugan, isinusulat na nang walang gitling ang salita
◊hampaslupa ◊kapitbahay
◊hanapbuhay ◊dalagambukid
9. pinagsama ang apelyido ng babae at asawa
◊Rodham-Clinton ◊Macapagal-Arroyo
10. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng linya
Wastong Gamit
A. NG
1. bilang pantukoy
◊Nagpapagawa ako ng bahay.
◊Bumili ako ng suka sa tindahan.
2. bilang pang-ukol
◊Totoong mabango ang halimuyak ng bulaklak ng sampagita.
◊Ginawa ng mekaniko ang nasirang preno ng kotse.
3. bilang pagpapahiwatig ng pagmamay-ari o kaukulang paari
◊takip ng kahon ◊ina ng bata
◊dingding ng bahay
4, bilang pagpapakilala ng tuwirang layon
◊nagbasa ng komiks
◊bumili ng gamit
5. bilang pagpapakilala ng gumagawa ng pandiwang balintiyak (Verb-subject)
◊ninakaw ng mama ◊iniwan ng guro
Nang
1. kung katambas ng “noong”
◊Nang ako’y dumating paalis na siya.
◊Galit na galit ang guro nang malaman ang totoong kwento.
2. ilang pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay
◊Nagsalita nang marahan ang matandang babae.
◊Nagbasa nang tahimik ang mga bata.
3. sa pagitan ng 2 salitang inuulit
◊tawa nang tawa
4. kapag binubuo ng pang-abay na at pang-angkop na at pang-angkop na ng
Ang ama wala nang trabaho.
B. May
1. ginagamit kapag ang kasunod na salita ay pangngalan, pandiwa, pang-uro o pang-abay
◊May ahas sa loob ng basket.
◊May nagdarasal sa kapilya.
◊May mataas na puno sa tabi ng balon.
◊May tunay na magulang ang batang iyon.
2. ginagamit kapag ang kasunod nitong panghalip panao ay nasa kaukulang paari
◊May kanya-kanya silang kotse.
◊May kani-kanilang pananaw ang mga tagapagsalita.
3. kapag ang kasunod ay pantukoy na mga at pang-ukol na sa
◊May mga ugali silang mahirap unawain.
◊May sa lintik ang nagnakaw ng kanyang pitaka.
C.Mayroon
1. kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang palagyo
◊Sa iyong kaarawan, mayroon akong ibibigay sa iyo.
◊Mayroon kang inililihim sa akin.
2. kapag sinusundan ng kataga tulad ng daw at din.
◊Mayroon din kaming pag-uusapan.
◊Sa pupuntahan natin ay mayroon daw engkanto.
3. panagot sa tanong
◊May pera ka ba? Mayroon.
3. kapag ang kahulugan ay “mayaman”
◊Siyamnapu’t limang porsyento ng populasyon nga mga mag-aaral ay galing sa mayroong pamilya.
◊Ang nobyo yata ay wala ngunit ang babe ay mayroon.
Bawal umihi rito. / Patay raw / Araw raw. ◊mga patinig at mala-patinig (raw, roon)
Mahail din kita. ◊mga katinig (daw, doon)