Aralin 8 AP Reviewer

 

Ang Kristiyanismo sa Imperyo Romano

◊40 PK: pitong taon matapos mamatay sa Kristo, mabilis na lumaganap ang Kristiyanismo

◊pinalitan nito ang mga liham na kulto

◊Emperador Nero: 64 PK; pinasunog ang Roma para siya’y makapagpatayo ng bagong siyudad; isinisisi niya ang sunog sa mga Kristiyano

◊Pinagsuspetsahan sila na may galit sa mundo at balak na pabagsakin ang emperador

◊Ito’y bunga ng pagtanggi nialng sambahin ang emperador

◊Madalas din silang magpulong ng palihim

◊Di-pa rin sila tumigil sa pagtuligsa sa nakikita nilang kamalian tulad ng pagsamba sa emperador; mahahalagay na gawain; pagnood ng gladyador

◊bilang ganti, idineklara ng Roma na labag sa batas ang Kristiyanismo

◊laging sinisisi ang mga Kristiyano

◊ipinagbawal ni Diocletian ang pagsamba ng mga Kristiyano

◊Mga Kristiyano noon ay mga: dukhang tagasiyudad; ang mga tagaprobinsiya at mga mayayaman ay nanatiling tapat sa Emperador

◊Marami ang naakit sa Kristiyanismo dahil sa:

◊uri ng pamumuhay ng unang Kristiyano

◊pangakong katarungan

◊tulong at buhay na walang hanggan

◊nasalihan na rin ng mga “may kaya” ang komunidad ng Kristiyano

◊Constantino: 313 PK: binigyan ng kalayaang sumamba ang mga Kristiyano

◊381: ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano ang Kristiyanismo

◊Theodosius I: ipinagbawal ang pagdaraos ng mga seremonyang pagsamba ng mga pagano

◊Bilang protesta sa makamundong pinagkakaabalahan ng simbahan, ang ilan ay nagtayo ng mga monasteryo na naging puntahan ng mga monghe at mongha

◊San Benedicto ng Nursia: nagtayo ng monasteryo noong 500 PK at sa loob ng 500 taon lumaganap ang orden na Benedictino

◊nang masakop ng mga Alemang barbaro ang kanlurang Romano, ang simbahan ang nagsalba sa sibilisasyong Griyego-Romano mula sa mananakop

◊ang mga papa, obispo, pari, at iba pang opisyal ng simbahan ang siyang pumalit sa emperador at pamahalaan

◊napagsamba rin nila ang mga Aleman sa Kristiyanismo

◊bukod sa pamamatnubay ng kaluluwa, iba pang tungkulin ng simbahan:

◊1. tapapayo ng mga pinuno sa pamahalaan sa pamamagitan ng pari

◊2. basalyo ng mga hari at emperador sa pamamagitan ng obispo at kardinal

◊3. nagbigay ng edukasyong pang-elementarya sa mga nagbabalak pari

◊4. nagturo sa tao na gamitin ang kamay at talino sa larangan ng paghahabi, paggawa ng mga paso at anga at mga kasangkapang metal, pati na rin sa pagsasaka

◊5. pagsasaayos ng mahahalagang manuskrito

◊simbahan: nangolekta ng buwis

◊pinalaganap ang wikang Latin sa mga mga monasteryo

Ang Paglaki ng Kapangyarihan ng Simbahang Kristiyanismo

◊lumaki ang kapangyarihan nito dahil sa malaking tiwala ng tao

◊maraming mayaman ang nagpamana sa simbahan ng mga lupain atbp.

◊maraming kita ang simbahan dahil sa buwis at dahil sa malalaking lupa

◊ang kitang ito ay ginamit para sa administrasyon, kawanggawa, kadahilanang pampulitika, panrelihiyon, pansining

◊natakot rin ang mga tao sa simbahan sa takot na mapatiwalag sila ; naniwawala sila na sa simbahan lamang sila makakarating sa paraiso

◊dalawang mabisang sandata: ekskomunikasyon o pagtiwalag ng tao mula sa simbahan; interdik o pagbawi sa mga sakramento

◊sa interdik, pati ang mga taong pinamumunuan ng taong nalagyan ng interdik ay di-rin pinapayagang makatanggap ng sakramento

◊1231: Pope Gregorio IX; hukuman para sa erehe; lumaganap sa Pransya, Alemanya, Italya at Espanya

◊karakamihan sa mga punong taga-usig (grand inquisitor) ang mga paring Dominicano at Franciscano

◊di masasabing patas ang paraang ginamit ng mga taga-usig

◊lihim ang paglilitis; walang karapatan ang erehe na makahrap ang tumestigo laban sa kanya; bawal ang abogado; ang mga nangumpisal na erehe ay masasabing masuwerte dahuil ari-arian lamang ang kinuha

◊ang mga ayaw umamin ay sinunog nang buhay

◊ang pag-uusig na ito ay tumigil lamang sa 17 dantaon

Pagmamalabis at Reporma

◊lumaki nang lumaki ang mga lupang pag-aari ng simbahan

◊patuloy ang pangako ng mga monghe sa simpleng pamumuhay ngunit tuloy rin ang kanilang pagyaman

◊abbot: pinuno ng mga monasteryo; masyadong abala sa mga ari-arian at sa kanilang tungkulin bilang basalyo ng hari

◊konti lamang ang marunong bumasa kaya’t karaniwang mga pari ang kinukuhang administrador; kapalit binibigyan ng mga hari ng malaking abuya ang mga monasteryo

◊maraming taga-Simbahan ang nabahala

◊naging tamad ang ministro sa sambahan; ipinagwalang bahala ang mga tuntunin; ibinenta ng mga aristokrata ang katungkulan ng obispo

◊pati papa ay naging abala sa pagpapayaman at pagpapalakas ng kapangyarihan

◊910: itinatag ang monasteryo sa Cluny na nagnais na ibalik ang tuntuning Benedictino

◊ngunit di-nagtagal ang tagumpay nito dahil karamihan sa mga monghe ay anak-mayaman kaya’t naiwan rin sa luho ang monasteryo dahil sa ka-reregalo sa kanila

◊ganito rin ang nangyari sa mongheng Cistercian ng silangang Pransya

◊ang ikatlong pagtangka ay kay Francisco de Assisi na kasama ng 12 na tao ay may layong mamuhay tulad ng mga dukha

◊binigyan ng Papa siya ng kapangyarihang makapagtayo ng sariling orden

◊pagkatapos ng 100 taon, ay yumaman rin ang Franciscans

◊sa paraang ang Papa ay binoto ng mga pari sa iba’it ibang diyosesis ay nabahiran ng mayayaman ang papa

Ang Papa

◊lahat ng obispo dati ay tawag Papa

◊500 taon lamang ang nakaraan nang Obispo ng Roma lamang ang tinawag na Papa

◊sa pagitan ni San Pedro Apostol at John Paul II (Karol Wojtyla); 302 na Papa

◊1059: upang di-na mabahiran ng aristokrata o hari ang papa, namili si Papa Nicolas II nang mga kardinal na siya mismo ang magtatalaga para maghalal ng pipili sa kanya, ito’y tinawag na Kolehiyo ng mga Kardinal

◊sinuportahan ni Papa Nicolas ang Benedictino

Paligsahan ng Simbahan at ng mga Hari at Pinuno

◊nang maupo si Hildebrand (abad ng Cluny) bilang Papa Gregorio VII, sinikap niyang mawala ang aristokratang pakikialam sa simbahan

◊pinilit niya ipaibabaw ang simbahan sa estado

◊ginamit niya ang dokumentong tinawag na Donasyon ni Haring Constantino bilang pagpapatunay na ang Papa ang pinakamataas na opisyal sa Kanlurang Europa

◊nakalaban ni Papa Gregorio si Haring Henry IV ng Alemanya

◊pinagtulungan ng Papa at ng mga kaaway na mapabagsak si Henry mula sa trono

◊bilang ganti, tumawag ng konseho si Henry na nagdeklara na wala nang kapangyarihan ang Papa

◊tinawag siya agad ng simbahan at sinabing wala na siyang kapangyarihan bilang hari; maraming prinsipeng Aleman ang kumampi sa Papa

◊dumating si Henry sa palasyo ni Papa Gregoryo sa Canossa, Italya

◊pagkatapos ng tatlong araw, pinatawad siya ng Papa

◊pagbalik niya sa Alemanya, sinariwa niya ang kanyang galit at sinalakay ang Italya

◊pinalitan si Papa Gregorio na tumakas noong 1084

◊namatay ang Papa pagkatapos ng isang taon at di-na muling nakabalik

◊pinayagan ng kapalit ni Papa Gregorio na ang Papa ang magdaraos ng seremonya para sa mga opispo ngunit hindi sa karapatang pumili siya kung sino ang magiging obispo

◊pinatalsik ni Papa Innocent III si Haring John ng Inglatera; naging basalyo na lang si John

◊1296: pinagbayaran ni Papa Boniface VIII si Haring Philip ng Pransya sa kanyang mga buwis; di-pumayag si Philip at ipinakulong ang Papa ng tatlong araw; namatay ang papa noong 1603

◊humina muli ang simbahan

Ang Impluwensiya ng Simbahan sa Lipunan noong Kalagitnaang Panahon sa Europa

◊natakot ang marami na baga hudyat ng pagbagsak ng simbahan ang mga Alemang barbaro

◊ngunit, ipinagpatuloy ng mga pari ang pagsasaayos at pagtatago ng mga manuskrito at mga pagtuturo ng simbahan

◊ang mga taga-Simbahan lamang ay may pangangailangang sumulat at bumasa

◊humingi ng tulong ang hari ng Imperyong Romano na si Charlemagne at Cassiodorus (kalihim na Alemang Theodoric na hari ng Ostrogoth) ay humingi ng tulong sa mga monghe para palaganapin ang edukasyon

◊nagtayo siy ang monasteryo sa Apulia at diyo pinatira ang mga monghe

◊dito sila gumawa ng kurikulum na ang twawag ay pitong malayang sining

◊ang mga katedral ay naging pulungan

◊Salerno, Italya: nagkaroon ng paraalang pang-doktor 12 dantaon

◊Bologna: abogasya

◊Paris: apat na kurikulum para sa mag-aaral; hinigitan ang Salerno at Bologna; medisina, abogasya, teolohiya, malayang sining

◊gumaya rin ang Inglatera, Alemanya at iba pang bansa

◊umabot ng 80 unibersidad noong taong 1500

◊puro lalaki sa paaralan

◊walang takdang panahon ang paaralan; maraming kumuha ng pagsusulit ang mag-aaral kung siya’y handa na

◊pag-nakapasa ang mag-aaral, maari niya nang pag-aralan ang ibang aralin

◊pinalaganap ang Latin

◊di-rin nagtagal ang Latin kundi sa wikang pangmisa

◊ang Latin ang nagsilbing pundasyon ng mga makabagong wika

◊Britanya: naghalo ang Romano at Alemang wika

◊nadamay ang iskultura at pagpinta dahil sa pagbawal ng pagsamba sa mga rebulto ng anito

◊nauso ang istilong Bizantino, barbaro at Gothic

◊pinalitan ng humanismo sa panahong Renaissance

 

Notes

40 PK: tuluyang kinilala ang Kristiyanismo

Dahil ng galit ng Romano sa Kristiyano

◊1. pagsamba sa emperador

◊2. pagtuligsa sa masasamang gawain (gladyador, mahahalay na gawain)

◊3. pagbalak sa pagbagsak ng Imperyong Romano

◊4. galit sa mundo

Bunga

◊1. malala na pagbibintang sa mga Kristiyano

◊2. idineklarang labag sa batas ang Kristiyanismo

◊3. ipinagbawal ang gawaing pagsamba sa Kristiyanismo

Mananampalataya:

◊1. dukhang taga-siyudad

◊2. taga-probinsiya

Pangako (motibasyon)

◊1. katarungan

◊2. buhay na walang hanggan

◊3. uri ng pamumuhay

Hen. Constantino: ginawang legal ang Kristiyanismo

381 PK Theodosisus: opisyal na relihiyon ang Kristiyanismo, bawal ang pagano

 

Aralin 15: Ang Renasimyento

◊maraming nagtangka na pasiglahin ang kultura kabilang si Charlemagne na nagpatayo ng mga paaralan

◊naging limitado ang mga marunong bumasa at sumulat; karamihan mangmang

◊taong 1000: nagsimulang umunlad ang kalakalan

◊ang mga dati’y mahigpit na paghawak ng mga baron at duke ayon sa sistemang piyudal ay lumuwag

◊nagtulungan ang middle class at mgahari at unti-unting nawala ang piyudalismo

◊simbahan ang nagpanitili sa kultura at kaalaman

◊kaya lang konserbatibo ang simbahan at di sang-ayon sa bagay na pangmundo

◊hindi nakatulong sa bagong panahon ang mga paaralang pinapatakbo ng pari

◊ang indibidwalismo o pagbigay laya sa sariling gawa at isip ay itinuring rebelyon sa simabahan

◊kinalaban ang posisyong ito ng mga simbahan ng mga hari at gitnang uri at nagwagi sila; nawala halos ang kontrol ng simbahan at paap sa kanilang buhay

◊ika-12 at -13 dantaon: nakaipon ang mga tao at maraming gitnang-uri ang pumasok sa paaralan

◊sa tulong rin ng simbahan, maraming mga paaralan at unibersidad ang naitayo sa Europa

◊ang paglayang isipan ng mga tao ang siyang naging Renasimyento o Rebolusyong Intelektuwal

Ang Simula ng Renasimyento

◊renasimyento: pagpapanibagong-buhay

◊kilusang pangkultura na nagsimula sa Italya noong 1300

◊mula sa Italya ay lumaganap sa Pransya, Inglatera, Espanya, Alemanya, Netherlands noong 1400

◊nagtagal hanggang 1600

◊pinakamalakas noong 1500

◊hindi na bulag na pananampalataya kundi bukas na isipin

◊rason, bait, katinuan, katwiran ang naging batayan ng tao

◊bago magsimula ang Renasimyento, ang tatlong malalaking siyudad sa Italya na may 100,000 populasyon ay Florence,Venice, Milan

◊kahit may Imperyong Romano (base sa Alemanya) o Papa sa Roma (hurisdiksyon sa Roma lamang), walang sentralisadong pamahalaan

◊Ang Florence at Venice ay pinatakbo ng pangkat ng naghaharing uri

◊marami ang naengganyong mag-aral ng klasikong Griyego at Latin

◊dahilan sa interes sa sibilisayong Romano ay dahil ipinagmalaki nila ang kanilang nakaraan

◊sinuportahan sila ng mga mayayamang pamilya na nagbigay ng pagkakakitaan sa artista at iskolar

◊1400: Medici: pinamunuan ang Florence

◊Sa loob ng 300 taon, ginamit ng Medici and kanilang impluwensiya bilang may-ari ng bangko upang pamunuan ang Florence

◊Sinuportahan ni Medici: Michaelangelo at Raphael

◊Ilan pang iskultor/pintor: Leonardo da Vincil, Filippo Bruneleschi, Massacio, Donatello

◊manunulat: Francesco Petrarcha (Petrarch) at Giovanni Boccaccio

◊Medici naging Papa: Leo X, Clement VII, Leo XI

◊Medici naging Reyna ng Pransya: Catherine de Medici, Marie de Medici

◊Lorenzo Medici: nagpalakad ng pamahalaan at nagtayo ng mga gusali at aklatan; ang Florence ay naging isa sa pinakamalaking lungsod sa mundo at sentro ng Renasimyento

◊bago mag-14 siglo, maraming tulang di-nasusulat sa wikang Italyano at di-Latin ang kumalat

◊Latin: wika ng nakapag-aral, pormal, mataas ang katungkulan

◊Dante Alighieri: Ang Banal na Komedya; Italyano; upang ipakitang mahal niya ang sarilng wika; nagsilbing tulay sa Latin at Italyano (nakaraan at kasalukuyan)

◊Petrarca: pinalaganap ang Griyego

◊nais maging abogado ngunit natuklasan ang mga sinulat ng Romanong si Cicero

◊unang nakapatagtayo ng kanyang sariling aklatan

◊laging ginamit ang Latin imbes na Italyano

◊Humanismo bunga ng Renasimyento

◊tao di na-diyos ang naging sentro ng buhay

◊dapat maging malay ang mga nakapag-aral na

◊umaasa ang tao na maibabalik ang pamantayang umiral noong klasikong panahon

◊dapat daw mapaghusay ng isang tao ang kanyang kaalaman sa sining di-ayon sa kababaang-loob kundi sa talino at sa mga kanyang nagawa

◊ang isip ng matagumpay na ta ay abalang-abala sa mundong ito upang magkaroon ng panahon para isipin ang tungkol sa kabilang-buhay

◊ang interes sa mga doktrina ng simbahan ay napalitan ng mga gramatika, tula, dula at kasaysayang Latin

◊ang kurikulum na ito ay ngayon itinuturo sa kolehiyo bilang humanities

◊inatake ng mga humanista ang turo ng sinbahan na ang buhay sa lupa ay paghahanda sa kabilang buhay pati na rin ang buhay at sakripisyo ng mga monghe

◊ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng mataas na kultura ang siya lamang dapt maging pakay ng edukasyon

◊naipahayag nang tao nang lantaran ang kanilang pagkadismaya sa simbahan

◊lumiit ang bilang ng mga naniniwala sa simbahan

◊naniwala ang mga alagad ng renasimyento na makakagawa sila ng mga magandang bagay nang wala ang Diyos

◊ika13-15 siglo: Panahon ng mga Kritiko: tinuligsa ang simbahan; may batayan sila sa kanilang pagtuligsa

◊dahil sa pagkawala ng impluwensiya ng simbahan, bumalik ang paganismo at immoralidad

◊hindi gaano naapektuhan ang buhay ng mga obrero, magsasaka, karaniwang tao

◊si Plato na daw ang kapalit ni Kristo

Paglaganap ng Renasimyento sa Labas ng Italya

◊nakalabas ang Renasimyento sa Italya sa pamamagitan ng mga iskolar, negosyante at diplomatiko at sa pagsalakay ng mga Aleman, Pransya, Espanyol

◊ang Inglatera, Pransya at Espanya ay pinamunuan ng mga hari habang ang Alemanya ay parte ng Banal na Imperyo Romano

◊tulad sa Italya, mayaman ay sumuporta sa kilusan

◊ang pagkakaiba lang ay di-nagpokus ang mga humanista sa klasikong panitikan kundi sa manuskritong Kristiyiano tulad sa Bibliya at sulat ni San Pablo

◊ang mga humanista ay tinawag na Humanistang Kristiyano

◊ang tao ay kanilang pinag-aralin hindi bilang nilalang lamang kundi mga taong may buhay, kaluluwa at responsibilidad sa mundo at diyos

◊pinakatanyag sa mga humanistang kristiyano ang Olandes na Desiderius Erasmus at ang kaibigan niyang Ingles na si Thomas More

◊inatake ni Erasmus ang pagmamalabis sa simbahan; tumanggi pa rin siyang sumama sa kilusan ni Martin Luther; inatake niya si Luther, dahilan para tawagin siyang duwag

◊More: aklat na Utopia; ipinahayag niya ang kanyang pag-ayon kay Erasmus

◊di-tulad ni Erasmus nang magkahiwalay ng landas ang simbahan at ang hari ng Inglatera Henry VIII, pumili si More ng papanigan

◊nais ni Henry na diborsiyuhin ang asawang si Catherine ng Aragon at pakasalan si Anne Boleyn

◊upang magawa ito, hiniwalay ni Henry ang simbahan ng Inglatera sa Roma at itinuring ang kanyang sarili bilang papa

◊nilitis siya at pinugutan ng ulo 1535

Epekto ng Renasimyento sa Panitikan at Sining

◊makatotohanan, satirikal, katawa-tawa (katangian)

◊pinagsama ang idealistiko at realistikong pananaw

◊mataas ang tingin sa kakayahan ng tao

◊sa pagpinta at paglilok, di na lamang relihiyon ang paksa, sang-ayon sa istilong indibidwal

◊edukasyon: pag-aaral para maging taong pangmundo at di taong pambayan o pangnayon lamang

◊taong pangmundo: may alam sa sining, palakasan, pulitika, siyensiya

◊1700: Humanista tumaligsa sa diktadura at Pang-aapi

◊Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerikano

◊Deklarasyon ng Karapatan ng Tao ng mga Pranses