A Heart to Heart with Camille
Source:  Super Teen Mag.


 
She is so princess-like.  She handles herself quite extraordinarily -combining and blending her boyish grooves with her womanly manners.  She never misses out on dancing-that's where her heart is - and that's why this talented young woman has indeed captivated the tastes of gorgeous male teeners, in and out of show business.  And you are so lucky to, not only see your fave brilliant Camille featured in this mag, but actually share with you her views about love - and all that's about it.

Are you ready to have a heart-to-heart Q&A with Camille?

Q:  How were you as a kid?  At about 10 to 12, just before your teen years?
A:  Sabi nila medyo boyish raw.  Kasi, minsan nakikipaglaro rin ako sa mga boys sa school.  Hindi naman kasi reserve ang personality ko.  Kaya nga hanggang ngayon marami pa rin akong mga friends kahit na nag-aartista na ako ngayon.  Masaya ako sa ginagawa ko.  And kahit nu'ng nasa grade school pa rin ako, I'm a good student and classmate.  Pero 'pag niloloko ako o inaasar ako ng kaklase ko, titingnan ko lang, titigil na! Masasaktan kasi siya eh! (laughs).

Q:  How did you change as soon you discover na nagdadalaga ka na?
A:  Wala lang.  Natural lang.  Siyempre habang tumatanda ka hindi mo na namamalayan na nagbabago ka na unti-unti.  Tulad ngayon, sabi nila may pagka demure na raw ako.  Nagdadalaga na raw kasi.  Pero hindi ko naman nano-notice.  Para sa akin ganu'n pa rin ako.

Q:  Have you had crushes when you were in highschool?
A:  Of course, marami.

Q:  Can you tell us some of your anecdotes about your high school years as far is crushes are concerned?
A:  Well, there was a time na nakasalubong ko 'yung crush ko, and then itong friend ko na kasama ko, itinulak ba naman ako du'n sa guy. So ang nangyari napahawak ako du'n sa guy at napahawak din siya sa baraso ko.  Tapos sabay humihiyaw 'yung friend ko kaya hindi ko talaga alam kong maiinis ako or kikiligin.  Pero nag-sorry ako du'n sa guy and nag-sorry din siya sa akin, kahit hindi dapat.

Q:  Surely, a lot have courted you.  What was the usual thing na natatanggap mo kapag binibigyan ka nila ng present?
A:  Palaging roses and cards.  Minsan naman, may chocolates or stuffed toys.  Pero usually talaga, rose and cards.

Q:  What does it mean kapag pinadalhan ka ng guy ng white roses? Ng red roses? Ng pink roses?  Ng black roses?
A:  Kapag white roses ang pinadala sa'yo, it means na pure ang thoughts niya and he needs you to so dearly.  Kapag red roses, it means love and devotion.  Ganu'n talaga siya ka-inlove sa'yo.  Alam ko pa nga pag red ang rose, he expresses deep passion.  And pag pink naman. that's pure friendship.

Q:  Usually, anong kulay ng natatanggap mo?
A:  Usually white, pero ma red din.

Q:  What do you think would be the greatest thing a man can do for a girl like you to prove his honest and eternal love?
A:  Siguro kapag nakayanan niyang i-broadcast sa buong subdivision namin na mahal niya ako.  And kausapin one-on-one ang dad ko.

Q:  Personally how do you describe love?
A:  Para sa akin, love is the easiest thing to say but the hardiest thing to feel.  In all cases di'ba marami ang nai-inlove pero hindi lahat nakapagsasabi ng feelings nila hanggang doon na lang.

Q:  Do you belive in soulmates?
A:  Oo naman naniniwala ako  na pagkapanganak mo pa lang, may nakatadhana na sa'yo.  And para sa kin 'yun ang soulmate.

Q:  What dreams of yours would you want to be fulfilled?
A:  Yung maging lady lady ni Brad Pitt or Tom Cruise sa isang pelikula.  Ang corny perop crush na crush ko talaga sila!

Q:  How do you see yourself 10 years from now, in terms of love and career?
A:  Siguro mayroon akong bf na napakaguwapo and napaka understanding na mahal na mahal ako.  Nag-aartista pa rin siguro ako at meron nang sariling business. I've always wanted to have a business talaga, kaya ngayon pa lang nag-iipon na ako for a business.  Hindi naman talaga pang habambuhay ang pag-aartista kaya hanggang ngayon pa lang mas maganda kung secure na 'yung future ko.

Back