
Camille Prats is one of the most promising teenage actress of today. And one of Channel 2's favorite baby. Patunay nito ang kanyang tatlong show sa nasabing station, and Marinella, Ariba-Ariba, at siyempre pa, isa sa mga maincast ng G-mik.
Bata pa lamang si Camille ng mag-start siya sa showbiz. From joining Little Miss Philippines to Ang TV hanggang pangunahan niya ang Princess Sarah kung saan siya ang bida. Kaya naman ngayon as a teenage and still, making waves in the business.Accroding to her mom Tita Alma, hindi talaga aware si Camille kung saan siya talaga. Hindi siya aware kung ano talaga ang status niya bilang isang artista. And at the same time, lagi siyang sinasabihan ng mommy niya to always be humble. And if she plans to go out, she always receive questions from her mom such as 'ready' ka ba. Meaning, kung ready ba siyang lumabas na laging naka-smile o kaya'y laging graceful kung kumilos. And with all this reminders, tumatak ito sa isipan ni Camille. Kaya naman she mingles with different kind of people very well. Hindi mo siya kakitaan ng pagsusuplada o kaya naman pag-iinarte. Instead, she had a good relationship with people at matsika siya talaga. Something that makes people at ease with her.
On our conversation with her, makikita kay camille ang kababaan ng loob. And at the same time, may mga konting biruan din within the interview.
What keeps her busy this days?
"As usual pa rin. My tapings with G-mik and Arriba. Nandidiyan din ang mga guestings and of course out of town shows paminsan-minsan."
Wow! andami na niyang shows. Mukha talagang isa na siya sa mga favorite actress ng Dos.
"Hindi naman. Ayokong isipin. Ewan ko pero ayokong isipin. Basta natiyempo lang siguro na maraming napunta sa akin. Of course, I'm happy for myself. Pero nauna lang naman ako na binigyan ng ABS," pa-humble niyang tsika.
Being an artist, does she ever had a regrets sa kanyang pag-aartista?
"No, bihira sa mga toa ang mabigyan ng ganitong opportunity. That's why wala akong dapat i-regrets kundi i-enjoy ang pag-aartista ko. Hindi lahat nabibigyan ng ganitong chance, so kailangan talagang maging grateful ako," wika ni Camille.
Sa bahay naman normal lang ang takbo ng buhay ni Camille.
"Sa bahay, ang pamilya namin ordinaryo lang. Lahat, puwede naming gawin. Tapos sa labas, maiisip ko na lang, artista pala ako, so kailangan, nakaayos pa rin ako," ngiti niya.
"Sa bahay, I'm a big sister. Si Kuya kunsintidor 'yan sa mga kapatid namin, kasi malaro rin siya eh. Eh ako 'yung taga saway. Sa bahay lang ako kapag walang ginagawa. Nanonood lang ng TV, nag-aassist sa mga kapatid ko, nag-i-internet," kuwento niya.
Ayon kay camille, pantay-pamtay ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga magulang. Though isa siyang artista, it doesn't mean na may special treatment na sa kanya ang mga magulang niya.
"Sa aming mag-kakapatid, tini-treat kami ng parents naming kung papaano kami dapat i-treat as an individual. Though at times, para pa rin akong baby sa daddy ko since ako 'yung eldest na babae, naglalambing pa rin ako sa kanya saka nilalambing pa rin niya ako," kuwento ni Camille.