
Kung merong melo-drama o tragedy pagdating sa love story, meron ding comedy and dating sa isang kuwentong pag-ibig. At dito nalilinya ang love story ng cute na cute na parents nina John prats and Camille Prats na sina Daddy Dondi at Mommy Alma. Comedy na may halong drama.Sa pakikipag-tsika namin kay Mommy Alma at Daddy Dondi, nalaman namin ang love story nilang dalawa. Nag-start ang kuwentong pag-ibig ng parents nina john and camille sa isang restaurant na pag-aari ng mommy nina Tita Alma, at siya ang namamahala sa counter.
Si Tito Dondi naman, who is maporma at that time, siyempre, magandang manamit, laging mabango at siyempre pa, dekotse, laging tumatambay sa restoran kasama ang kanyang mga barkada. Siyempre pa nagkapansinan ang dalawa.
Since istrikto ang mommy ni Tita Alma, hindi naging madali para sa parents nina John and Camille ang pagkakaroon ng relationship. Unang-una, ayaw ng mommy ni Tita Alma kay Tito Dondi dahil marami raw itong barkada at pangalawa, galing sa broken family si tito Dondi.
So to make stroy short, nagtanan ang dalawa dahil pinaghiwalay silang dalawa ng mommy ni Tita Alma. Pagkatapos ay nakasal din pero hindi dito natapos ang trials ng love stroy ng daddy at mommy nina Camille at John. While they are on their first year of marriage nagkahiwalay sila dahil 'yun ang kagustuhan ng mommy ni Tita Alma. And that time ay buntis na si Tita Alma kay John. So, nang ipanganak si John ay wala si Tito Dondi sa tabi ni Tita Alma. He went to Hongkong kung saan doon naka base ang kanyang ina na isang Dean ng University. Until they are reunited once again. And this time naging maganda ang samahan nina Tito Dondi at ang family ni Tita Alma. According to Tita Alma, mas mahal pa ngayon ng mommy niya si Tito Dondi since he is a very responsible man.