JR Casco – bass.
Bubuhatin ang mundo.

 

JR Casco Sa edad na pito, dinamay ng isang apuradong trak sa loob ng isang sabdibisyon sa Tacloban ang kaliwang paa ni JR. Ngunit di 'to nagpahinto sa kanya na buhatin niya ang mundo at habulin ang madagundong na kahabaan ng bass guitar pagdating niya ng kolehiyo (bagamat ilang suicide attempts din at pabugso-bugsong drug abuse ang kanyang tinahak). Pero huwag mag-alala, dahil inspired si JR ngayon bilang single parent ng isang sweet na 4-year-old daughter, bilang isang bagong St. Paul’s Business School Management degree-holder, at bilang kasabwat nitong kasalukuyang band of brothers.

 

balik sa Prente