Tandang Soria – percussion, second bokals delight.
Di po totoong NPA yan.  

 

Tandang Soria (Jojo Soria de Veyra) Si Tandang Soria ay kilala na ng ilang colegio kids sa internet bilang ang indie Web poet at manunulat ng maiikling kuwento na si Tandang Soria o si Vicente Soria de Veyra o warphoto. Me koleksyon ng mga kantang Ingles din si Tanda na ayaw niya munang pag-usapan sa ngayon. Sawa na siya sa pakikisalamuha sa mga Inglesero sa ating lipunan. Ito'y salamat sa GP (na noo'y kilala sa Tacloban bilang Rosary Beads o something) na kumuha ke Tanda upang maging lyricist ng bagong team. Dahil marunong ding mag-perkasyon at malamig din kumanta, pinag-percussion na nga at ginawa pang second bokalista at arranger ng vocal harmonies ng banda itong ating isa pang bida, bagamat karaniwan tumatayo lang sa lilim ng stage itong si Tanda o di kaya palakad-lakad na may puting wig at tungkod. :-) Isang dropout mula sa U.P. College of Fine Arts, sumali sa Silliman U. at U.P. creative writing workshops si Tanda at matagal na nagsulat ng mga komersyal (pang-dyaryo, pang-radyo, pang-TV) para sa mga ad agencies sa Maynila. Si Tanda'y nakabase sa Bocaue, Bulacan sa kasalukuyan. Puntahan ang kanyang website: click dito!

 

balik sa Prente