Puding – lead bokal.
From manggang hilaw hiyaws to bagoong iyaks!
Puding – Si Puding (Casco, kapatid ni JR) ang small but terrible na anime-looking personality ng banda sa bokals. Tatalon mula pop rock hanggang soul at rap-metal at mala-Doors na blues in da same way na tatalon ka from manggang hilaw to bagoong balayan. Gagawin ang lahat ni Puding para lang ma-dramatize ang makukulay na lyrics ni Tandang Soria sa paiba-ibang sitwayson ng mga ito. Ibig sabihin, si Puding ang vehicle ng GP para maging isa sa mga most versatile bands ng eksena (na natatawa lang sa mga anti-versatile bands na tao). Isa sa mga pinakakilalang bokalista sa Tacloban, itong meyor ng banda sa melody-making sa kasalukuyang koleksyon ay paborito at darling ng mga barangay groupies dahil sa kanyang sunny o di-mapundi-punding ngiti, kahit pa ang ngiting ito'y bigla na lang mawawala sa malulungkot na political songs ng politikal na banda'ng 'to. Isang napaka-seryosong Sangguniang Kabataan chairman ng Barangay 109 ng Tacloban, si Puding ay isa ring accountancy major na isinantabi ang gradwasyon para lang sa politika ng barangay rak en rol!