Steven Lawsin – rhythm
guitar.
Makulay na buhay sa ritmo ng urban jungle.
Steven Lawsin – Ang isa pang uri ng mabait na halimaw sa mga banda ay ang mga rhythm guitarists na kadalasa'y di maintindihan ang role sa isang banda. Sa Groupies' panciteria, ang nagtatago sa likod ng rhythm guitar ay ang mahal na pet ng grupo na si Steven. Isa ring single parent, kasalukuyang sinusuportahan ni Steven ang kanyang 2-taong-gulang na anak na babae sa pamamagitan ng kung anu-anong trabaho sa ating urban jungle -- sa konstruksyon, sa pag-pe-pedicab, sa paggawa ng uling, sa pagawaan ng pekeng toyo, at kung anu-anong kategorya ng pagkakargador o pagiging storehand. Talagang ganyan kakulay ang ritmo ng buhay ng mga rhythm guitarists, kuya. Pero masaya. :-) I-email siya rito.