Val Salazar – drums.
Masaya na ang tenga.

 

Val Salazar Tulad ng Casco brothers at ni Steven, isa ring galing sa broken family background si Val. Kung kaya marahil minarapat ni Val na ibuhos ang kanyang galit sa mundo sa pagpalo ng mga tambol. Matapos magsawa sa kakikinig ng 1) kalansing ng pera bilang cashier sa isang video shop sa Tacloban, 2) ingay-Maynila sa isang odd job dito, 3) o taginting ng pipes bilang maintenance crew member ng lokal na waterworks service company sa Tacloban, naging masaya ang tenga ni Val sa samahan at misyon ng GP. Ibig sabihin, handa nang muling sumabak sa ingay-pambansa, kung kaya't makikitang paminsan-minsa'y nagpapapalo na naman ng tambol ang ating mamamalong 'to na ilang beses ding naging best drummer sa ilang Tacloban band battles.

 

balik sa Prente