Sino ako?                          home

ako'y isang critico na namugad sa lansangan ng katimugang maynila.  isa ako sa mga madalas ninyong nakakasalubong sa loob ng mall (di nagsho-shoping, nagpapalamig lang!), nakakasakay sa dyip,  nakikita ninyong naglalakad pauwi (kasi nakulangan ako ng pera pang tricycle),   o di naman kaya'y nautangan ko para pambayad ng taxi (he!he!he!).     isa ako sa mga commuters na na-stuck sa kahabaan ng EDSA nang magka-rally sa Mendiola.     isa rin ako sa mga nabiktima  ng mga kumakalat na chain text messages (sino ba kasi ang nagpauso nung mga messages na "send this message to fifteen people and get 500 pesos credit from Smart", kainis ha!).     naging miyembro rin ako ng SMC (Samahan ng Malalamig ang Christmas),      SMV (Samahan ng Malalamig ang Valentines),   at SBMA,    hindi yung nasa Subic ha!    SBMA - Samahan ng mga Bakasyonista tuwing Mahal na Araw!       inubos ko rin ang isang buong sembreak nang nakatanga sa aming bahay,   pero ops!   kung minsan pumupunta naman ako sa ibang bahay para doon tumanga.     but enough about me...how about you?meron ka bang makwekwento?