Heart sinigawan ng director, taping
natigil
Nitz Miralles Journal Online May 10, 2003
NAGRE-resume ngayong Sabado ang taping ng Berks na two weeks natigil dahil
nag-away sina director Gilbert Perez at ang mother ni Heart Evangelista.
Hindi lang nagka-intindihan sina direk Gilbert at Mrs. Ongpauco na nauwi sa
away.
Akala ng mommy ni Heart ay basta na lang sinigawan ni direk Gil ang anak,
kaya nagalit na rin ito sa director. Nagsumbong daw si Heart sa Talent
Center at ang Talent Center ang nag-request na itigil muna ang taping ng
show hanggang hindi pa naso-solve ang isyu kina Heart at mommy niya at direk
Gil.
Kung si direk Gilbert pa rin ang magdidirek ng Berks, naayos na ang gusot sa
pagitan nila ni Heart at mommy nito. Ibig ding sabihin, hindi pinagbigyan ng
ABS-CBN ang diumanoy request ni Heart na palitan ang director ng show nang
magsumbong siya sa Talent Center. |