Heart & John Sweet Pa Rin
By: Eric John Salut
Pilipino Star Ngayon (May 15, 2003)
Sa Friday ay may presscon si John Prats para sa celebration ng 25 years ng
Hawk Bag at contract-renewal niya bilang celebrity endorser nito. Ito rin
ang magandang pagkakataon para bigyang-linaw niya ang isyu tungkol sa kanila
ni Heart Evangelista. May balita kasi na nagkaroon sila ng tampuhan nitong
mga huling araw.
Although last Sunday sa ASAP Mania ay nakausap na namin si John tungkol sa
isyu. Aniya, walang nagbabago sa kanilang pagtitinginan. They have remained
sweet naman. Proof nga ay nariyang hinaharot ni Heart si John habang
kinakausap namin ang binata. Panay pa ang kuha nito ng picture
kay John using her 7650 na cellphone.
Hindi lahat ng pagkakataon ay maganda ang lalabas na balita kina John at
Heart. Kumbaga, hindi lahat ng masusulat sa kanila ay puro pa-sweet. Tulad
ngayon nasusulat na nagkakatampuhan sila.
In fairness kina John at Heart, they have remained sweet. Kaya ‘yung
nag-email sa akin about ‘yung sinasabing tampuhan, nothing to worry about.
At least, nakakatulong ito lalo pa ngayon na mataas ang rating ng programa
nilang Berks. |