Unti-unting lumalabas ang maraming talento ni HEART
From Pilipino Star Ngayon
Akala ko nung pumunta ako sa launching ng debut album ni Heart Evangelista
sa Star Records na pinamagatang "One", isa lamang yung karaniwang album
launching ng maraming artista na ginagawa ng kanilang mga producer, kundi
man sila mismo, para sila pasikatin. Hindi pala at humihingi ako ng dispensa
kay Heart sa pag-iisip
ng ganito.
Marunong kumanta si Heart. In fairness sa kanya, it would have been a waste
of her singing talent kung pinabayaan na lang ito at hindi hinasa sapagkat
hindi na kailangan dahil mas mahalaga ang talento niya sa pag-arte at sa
pagiging isang VJ.
Tama ang sinabi niya na hindi siya isang diva, isa siyang singer na nabigyan
ng pagkakataon na makagawa ng album. "Dati pa-lip synch lip-synch lamang ako
kapag naiimbitahang mag-promote ng aking movies o TV show o kaya ay
naiimbita sa mga probinsya. Hindi na ngayon. Singer na ako and I will be
sharing this talent to everybody. Kailangang kumanta na ako ng live
everytime na mahihilingan akong kumanta,"pagmamalaki niya. Ang she went on
to display her newest talent na carry niyang idisplay.
Marami ang bibili ng album ni Heart, lalo na yung mga kabataan dahil para sa
kanila ang mga awitin sa album. Mula sa acoustic flavored na "Wag Na Lang"
at "Di Na Mahintay", ang hip hop na "Sulat" na kung saan ay sinamahan siya
ng rapper na si Gloc 9 hanggang sa nakaka-inspire na "You Can Make It
Happen". Kasama rin sa album ang 2003 Himig Handog Love Song’s Listeners’
Choice and Texters’ Choice awardee "Love Has come My Way". May duet din sila
ni John Prats ng awiting "Please Be Careful With My Heart".
Mas aangat ang career ni Heart ngayong may album na siya. At karapatdapat
siya sa taguring Pop Jewel.
|