Sa kusina, ako'y laging naglalagi
Nagluluto ng ulam umaga, tanghali at gabi,
Minsan naghahanap ng ibang recipe
Pero iba talaga ang Pinoy delicacy.
Salamat sa ina ko na nagtiyagang nagturo
Mula pa sa pagkabata, minulat na sa pagluluto,
Sayang nga lamang bago kami lumisan patungo dito
Binawian siya ng buhay, hanggang ngayon di ko mapagtanto.
Sa ating pagkain kakambal na yata ay kanin,
Hamburger, french fries at coke tila bitin pa rin
Aking asawa special request na lutuin
Kundi bulalo o sinigang siyempre with matching kanin.
Marahil aming si Armi, lalaki na sanay sa Pinoy na lutuin
Buti naman at hindi siya pihikan sa pagkain.
Kaya kahit "pangat"...pangatlong init na ulam na namin
Hindi siya nagrereklamo kundi sapak ang aabutin.
Sabi nga,"The way to a man's heart is thru his stomach"
Kaya eto asawa ko'y pinatataba kong tiyak
At tila ako'y hindi na rin papayat
Iba talaga pag magkasundo... lapat na lapat.
Masarap "daw" ang luto ko
Siyempre dugong kapampangan yata 'to
Sa pagluluto subok at garantisado
hindi mapapahiya kahit na kanino.
balik sa labas ng bahay