Home About Articles Links Site Map

A Century's Worth
-stories on UP's 100 years and the celebration of its centennial-

  1. UP and its American Heritage
    • Parallelisms in UP’s History
  2. The Fighting Maroons
  3. In Brod's Hands: Fraternity Deaths in UP
  4. The Implications of the UP North Science and Technology Park
    • Campus Development
  5. Behind the Scenes: Preparations for UP Centennial
    • Radikal na Sentenaryo
    • Centennial Budget
    • Preparations for the Kick-off
    • In the other UP units
  6. Songs of Hope and Pride
  7. Analysis of the Education System
    • ToFI history
  8. Bastion of Activism
  9. Sa Ngalan ng Urbanidad
  10. Tradition of Dissent

Some photos from my flickr account
The floor where arguments are presented
Shot from afar: Presidential First Son Rep. Mikey Arroyo and then newly elected Speaker of the House Rep. Prospero Nograles
The Batasang Pambansa from afar

March 29, 2008

A Century's Worth: UP through years of education, struggle and making history


Behind the Scenes: Preparations for UP Centennial
by Hannah Joy Castillo, Katherine Lopez, Sheryl Macatangay, Celia Nachura, Frances Olayon

Naiibang Sentenaryo
ni Katherine Lopez

Radikal na Sentenaryo. Ito ang mga katagang naglalarawan sa alternatibong tema para sa Sentenaryo ng UP na pinangunahan ng All-UP Academic Employees Union.

“Alternatibo siyang pagtingin sa isang-daang taon ng unibersidad,” wika ni Dr. Judy Taguiwalo, tagapangulo ng All-UP Academic Employees Union.

Dalawa ang layunin ng Radikal na Sentenaryo, dagdag ni Taguiwalo. Una, “maihakbang [na] ang pangunahing katangian ng UP sa isang-daang taon nito ay bilang ideological na aparato ng kasalukuyang sistema. Iyon ang prinsipal na katangian niya dahil produkto siya ng kolonyal na paghahari.

“Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, naging neo-kolonyal siya na aparato, at sa kasalukuyan, aparato siya ng neoliberal na globalisasyon na ang pangunahing diin ay maiangkol ang edukasyon ng UP sa pamilihan sa halip na maging serbisyong sosyal siya.”

“Nais ding ihapag ang kontrapunto na katangian ng komunidad sa loob ng UP na nagcha-challenge ng ganoong direksyon ng UP,” ani Taguiwalo.

Ayon kay Taguiwalo, sa neoliberal na tahakin ng UP, nababago ang orientasyon ng mga mag-aaral sa pagpasok nila dito. “Sa halip na ang direksyon mo bilang isang iskolar ng bayan ay ibalik sa lipunan ang iyong natutunan sa UP, ang magiging immediate motivation mo para pumasok sa UP ay para makakuha ng trabaho sa malalaking korporasyon.”

Sa panig naman ng mga guro, ayon kay Taguiwalo, ang epekto naman ng neoliberal na tahakin ng UP ay ang paglimita sa mga ituturo batay sa market forces dahil “ang mga disiplina na hindi mabili sa pamilihan” ay iaayon sa paraang magagawa nitong makipagkumpetensiya sa pamilihan.

Sa ganito ring kaayusan, hindi na magiging prayoridad ang mga ordinaryong mamamayan, ayon kay Taguiwalo.

“Ang priority mo na [ay] science and tech na mga laboratories, incubation laboratories. At syempre, yung usapin ng katangian talaga ng estudyante, dahil sa taas na ng tuition, kahit na mahirap ka na pumasok dito, ang magiging thinking mo na ay profit-oriented,” wika ni Taguiwalo.

Ayon kay Taguiwalo, ngayong sentenaryo ng UP, hinahabol nila ang centennial bonus ng mga kawani at mga faculty.

“May kalakaran na tuwing magce-celebrate ng anibersaryo ang mga institusyon, ang mga unibersidad, mayroon kang anniversary bonus,” sabi ni Taguiwalo.

Dagdad ni Taguiwalo, dalawampung libong piso ang hinihingi nilang centennial bonus.

“Sumulat na kami sa BOR. Ibibigay naman yan (bonus) sa June 2008, kung kailan talaga ang anibersaryo ng UP,” ani Taguiwalo. Ngunit kung magkano ang magiging bonus, wala pang napagdedesisyunan, aniya.

Ayon kay Taguiwalo, wala namang mali sa paraan ng pagdiriwang Sentenaryo ng UP. “Pero sa konteksto talaga ng direksyon ng UP sa ilalim ni President Roman, ang UP ay lumalayo na sa pagiging Unibersidad ng Sambayanan.”

Dagdag pa rito, aniya, ang usapin ng tuition ang other fee increases, pagtaas ng requirement sa faculty upang sila’y ma-tenure, pagsasara ng mga service units katulad ng UP Press at University Food Service (UFS) ng UP Los Bańos at ang nakaambang pagsasara ng UFS sa UP Diliman, laganap na kontraktwalisasyon, nakaambang demolisyon ng Pook Ricarte, Palaris at Dagohoy at demolisyon ng mga manininda sa Philcoa.

“Hindi dapat empty celebration lamang. Dapat may katuturan [na] reflected sa mga policies na makatao, makamamamayan, makabayan,” sabi ni Taguiwalo.

Dagdag ni Taguiwalo, “Ang radikal na sentenaryo ay hindi lang usapin ng nostalgia, kundi ang kabuluhan nito sa patuloy na pakikibahagi ng progresibong komunidad ng UP sa malawakang panlipunang isyu na mahalaga para sumulong talaga ang bayan natin.”

Upang ipagdiwang ang “radikal na sentenaryo,” mayroong lecture series ang All-UP Academic Employees Union.

“May mga faculty, mga alumni, mga kawani, mga estudyante na naghahanda ng mga papel na nagpapakita ng ibang mukha ng UP,” sabi ni Taguiwalo.

Walang bayad ang mga lumahok sa lecture series. “Labor of love ito, at saka batay sa commitment,” ani Taguiwalo. Ang kanilang pondo ay bunga ng sarili nilang pag-aambag, pagbebenta ng mga pins, at pagbibigay ng ilang mga faculty, dagdag niya.

Upang mapaghandaan ito, sinabi ni Taguiwalo na nag-usap-usap ang iba’t ibang organisasyon tulad ng All-UP Workers Union, Congress of Teachers for Nationalism and Democracy, mga organisasyong pang-mag-aaral tulad ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP, Alay Sining, Gabriela Youth, at kasama din ang Office of the Student Regent.

Ayon kay Taguiwalo, may kanya-kanyang activities ang mga organisasyon at nagkakaroon lamang ng impormal na koordinasyon.

«Back to article

Contact me: Hannah Joy Castillo

Back to top of page



Home · About · Articles · Links · Site Map
Site last updated: 2 July 2008
All rights reserved.
Copyright © 2008. Hannah Joy Castillo.