|
Teen Movie Magazine By Dominic Rea
Napakarami nating katangiang makikita kay Stefano kapag tinitignan mo lang ito mula ulo hanggang paa. Nandiyan din ang pagiging 'Mr. Makulit' niya ayon na rin sa mga sumbong sa amin ng lima pa niyang kasamahan sa tropa.
Bago namin winakasan ang aming pakikipagtsikahan sa binata'y kinunan namin ng kayang opinyon si Stefano Mori sa sinasabi nilang insecure daw siya ngayon sa kasikatang tinatama ni CARLO AQUINO.
"Wala akong dapat ika-insecure kay Carlo dahil kung nasaan man si Carlo ngayon, masaya kami pa sa kanya. At saka, tulad nga nu'ng sinasabi lagi nina Miko (Samson), John (Prats), Camille (Prats), at Angelica (Panganiban), parang magkakapatid na kami lahat dito. Natutuwa nga kami para sa kanya, kaya hindi totoong insecure ako kay Carlo. Walang halong ka-showbiz-an 'yon." |
|