|
John Prat's Big Break Teen Magazine--October 28, 1999
Hindi na mapigilan ang unti-unting pagsikat ng matinee idol na si John Prats. Matinding-matindi nga ang ibinigay sa kanya. Recently lang, napanood natin siya sa drama anthology ni Judy Ann Santos kung saan nagpakitang gilas na naman siya katulad ng ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya kung saan na-nominate pa si John sa Star Awards for TV sa taong ito. Halatang paborito siya ngayon dahil panay ang bigay sa kanya nang magagandang projects and sooner or later ay uumpisahan na niya ang bagong niyang pelikula sa Star Cinema. Sa tagal nang panahon na hinihintay niya, heto, ngayon at unti-unti nang natutupad ang mga panagrap niya. "Pinagbutihan ko ang trabaho ko ngayon para hindi ako mapahiya sa mga taong nagtitiwala sa akin" sabi pa niya. Ano ba ang ginawa niyang move para mapansin siya nang husto? "Actually daddy ko talaga ang nagbukas ng isipan ko para gawin ang mga bagay na gustong-gusto ko. Medyo mataba kasi ako noon. One time, nag-usap kami ni daddy, sinabi niyang ayusin ko muna and sarili ko at tutulungan niya ako. Nagpapayat muna ako nang husto para maging presentable talaga ako. Mahirap 'yon dahil at my age hindi madali 'yon. Gumawa ang daddy ko nang paraan para ire-package ako. Simula nu'ng nagbabago na ang takbo nang career ko. Nakatulong rin yung lakas nang fighting spirit ko. Aminini na natin na matindi and competition nang mga kasabay ko. Honestly, noong una, kabado talaga ako, pero naging confident na ako sa sarili ko", pagkukuwento ng guwapong binatilyo. Lastly, what makes him happy right now? "Lahat lahat, nagpapasaya sa akin ang magandang nangyari sa career ko at sa lahat ng nagmamahal at nagtitiwala sa akin,'yung ang mga nagpapasaya at nagpapalakas nang loob ko", pagtatapos pa ni John. |
|