REVENUE REGULATIONS BLG. 1-98
PAGBABAYAD NG BUWIS NG MALALAKING TAXPAYERS (LARGE TAXPAYERS)
T: Sino ang itinuturing na malalaking taxpayers o "Large Taxpayers"?
S: Ang pagiging malalaking taxpayers o "Large Taxpayer" ay ang mga taxpayer na ibinukod ng BIR matapos makapasa ang mga ito sa alinman sa mga sumusunod na pamantayan:
1. Ayon sa buwis na binabayaran
a. Value-added Tax (VAT) - hindi bababa sa P100,000 bawat tatlong buwan
b. Excise Tax - hindi bababa sa P1 milyon sa isang taon.
c. Income Tax - hindi bababa sa P1 milyon sa isang taon.
d. Withholding Tax - hindi bababa sa kabuuang P1 milyon sa isang taon na sagutin ng punong tanggapan kasama ang sa mga sangay nito para sa anumang uri ng withholding tax.
e. Percentage Taxes - hindi bababa sa P1 milyon sa bawat tatlong buwan
f. Documentary Stamp Taxes - hindi bababa sa kabuuang P1 milyon sa isang taon.
2. Ayon sa katayuan ng pananalapi
a. Kabuuang kita o gross receipts/sales - hindi bababa sa P1 bilyon sa isang taon.
b. Net worth - hindi bababa sa P300,000 sa pagsasara ng taon.
Ipagbibigay-alam ng BIR sa taxpayer kung sakaling ito’y mapasama sa listahan ng malalaking taxpayers.
T: Paano kikilalanin ang malalaking taxpayers?
S: Ang unang 1,500 na malalaking taxpayers ay pipiliin mula sa