REVENUE REGULATIONS BLG. 12-98 and 3-99
PAGKAKALTAS NG BUWIS SA MGA DOKTOR
T: Dapat bang kaltasan ng buwis ang mga ibinabayad sa mga doktor?
S: Oo. Anumang halaga na sinisingil ng mga pagamutan para sa mga doktor o kaya’y tuwirang ibinabayad ng pasyente sa mga doktor ay kinakailangang kaltasan ng buwis na 10%.
Ang buwis na kakaltasin ay 5% kapag ang binayaran ay isang rehistradong professional partnership.
Kapag hindi sumingil ng bayad ang doktor at walang ibinayad ang pasyente, walang buwis na kakaltasin.
T: Sino ang dapat magkaltas ng buwis?
S: Kapag ang sumingil sa pasyente ay ang pagamutan, ang pagamutan ang may katungkulang magkaltas ng buwis bago nito ibigay ang kabayaran sa doktor.
Kapag ang sumingil sa pasyente ay ang doktor, ang buwis na dapat kaltasin ay ibibigay ng doktor sa tanggapan ng accounting ng pagamutan na siya namang magbibigay nito sa BIR.
Ang mga buwis na kinaltas ng pagamutan o kaya’y ibinigay sa kanila ng mga doktor ay kinakailangang maibayad ng pagamutan sa BIR nang hindi lalagpas ang ika-10 ng sumunod na buwan. Kapag ang buwis ay kinaltas sa buwan ng Disyembre, ang palugit ay hanggang ika-25 ng Enero ng sumunod na taon.
T: Anu-anong mga kasulatan ang kinakailangang iharap ng pagamutan sa BIR kaugnay ng pagkakaltas ng buwis sa mga doktor?
S: Ang pagamutan ay inaatasang magharap ng mga sumusunod na kasulatan.
Ang talaan ay kinakailangang iharap sa Collection Division ng Rehiyon ng BIR kung saan matatagpuan ang pagamutan tuwing ika-15 araw pagkatapos ng _____________.
3. Ang katibayan ng buwis na kinaltas (Certificate of Creditable Tax Withheld at Source o BIR Form No. 2307) ay kinakailangang ibigay ng pagamutan sa mga doktor na kinaltasan ng buwis tuwing ika-20 araw matapos ang pagsasara ng taon. Kinakailangan ding isama ang pangalan ng mga doktor sa Talaan ng mga Nakatanggap ng Kita (Alphabetical List of Income Recipients) na ikinakabit sa Taunang Return sa Impormasyon (Annual Information Return o BIR Form No. 1604).
(Sinusugan ang Rev. Reg. No. 12-98 na nagpapatupad sa Seksyon 57(B) ng 1997 Tax Code; Ipinalabas noong Enero 22, 1999; Magkakabisa 15 araw matapos mailathala sa isang pahayagang may malawakang sirkulasyon.)